Buwan-buwan, nagkakasakit ako. Hindi pumapalya yan. Maaring maliit na bagay lang gaya ng sipon o malaki gaya ng trangkaso.
Noong haykul ako, umiinom ako ng 4 na vitamins kada araw. Para akong may drug problem. Mayroon akong iron (anemic), vitamin C, multivitamins at yung isa para sa calcium or potassium (nakalimutan ko na). Tinigil ko na yun noong freshie ako sa UP kasi wala na akong panahon.
So ever since then, nagkakasakit ako. Malas na lang kung hindi maayos yung timing. Gaya ngayon.
Mayroon akong sore throat, migraine at sipon. Maaaring maging trangkaso kung mali lang ako sa self diagnosis ko (at lagnat, sipon at ubo talaga ang meron ako. pero hindi pa sure kaya sore throat muna). Natulog ako kaninang hapon. Sabi ko sandali lang para makapagpahinga lang ako. Tumuloy-tuloy hanggang 10pm ng gabi.
Naalala ko na ginising ako ni Law para uminom ng gamot dahil may lagnat raw ako. Kaso blurry kasi hindi ko maalala na gising ako. >.<
And for the cherry on top!!! >.< Revisions ko ng thesis this week. Dapat matapos kong irevise ang 10chapters ko by 19th. Kailangan.
Well, kapag natapos ko naman tapos na. Konting revisions na lang pagdating sa totoong pasahan.