Tinatamad pa rin ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakaimpake. Malamang marami akong makakalimutan.
Ayoko umalis. Una, kasi nakakatamad. Pangalawa, kung hindi magiging masaya ang bakasyong ito posibleng magka-away away lang ang pamilya. Kulang kasi kaming lahat sa pasensya.
Pero sana maging successful. Gusto ko talagang magtravel kaya lulubusin ko ang karanasang ito.
Kanina pa ako nakanet. Kanina pa naghahanap ng Mapa para sa Palm TX. Wala rin palang kwenta ang Palm TX kung wala kang pera pambili ng mga software.