6am ako nakarating sa bahay. Ilang oras lang ang aking tulog bago kailangang gumising para makita muli si Lawrence. Napanaginipan ko na kung paano ko siya sasalubungin. Yun bang yung may pagtakbo tapos paghug at paghalik ng maraming beses.
Ganun ko siya namiss. Kala mo isang taon akong nawala.
Kaso hindi yun ang nangyari. Rated PG ang aming pagkita. Lalo na't nandun yung anak ng asawa ng tito ko. Pero tuwang tuwa pa rin ako na nagkita kami muli.
Binigyan niya ako ng isang surprise: DVD ng Land Before Time I-XI. Hanggang Land Before Time 4 lang ang napanood ko noong bata ako.
Kung nabasa niyo ang 10 random things meme ko, malalaman niyong mahilig akong bisitahin ang panahon noong bata ako dahil marami na akong nakalimutan. Ang Land Before Time ang pinakapaborito kong movie noong bata ako. Sa sobrang paborito ko, mayroon kaming mga puppets ng characters na binili for keepsake. (Binigay ito ng Tatay ko sa pinakabata kong pinsan, isang bagay na hindi ko ikinatuwa noong bata ako... pero magiging mahabang istorya na naman yun kung isasama ko pa dito.)
Nalaman kong mahigit isang buwan na dinownload ni Lawrence ang pelikula para lang maibigay niya ito sa akin. Natutuwa akong gusto niya maging parte ng kabataan days ko.