I just don't want people touching my things. -Moulin Rouge
Hindi yata direct quote yan. Kasi nakalimutan ko na yung mismong quote.
Habang kami pumunta ng Thailand, pinaalaga namin ang aming bahay at mga aso sa aming tita Jenny. Kasama niya sa pagbabantay ang kanyang anak. Bago kami umalis, kumain ako ng PADAS.
Mahal na mahal ko ang Padas. Hindi ako kumakain ng seafood pero kapag ito ang ulam, kakain ako. Maliliit siyang isda na binilad sa araw at binudburan ng asin. Ipriprito sandali at pagkatapos ng ilang minuto may ulam ka na.
Sa Ilocos, La Union area lang mayroong Padas. At bihira ito. Madalas sa summer lang nakakakuha. Pero dahil maliliit ang mga isda, pinagbabawal na maraming isda ang hulihin. Babies pa kasi ata sila.
Dahil bihira lang ito, pinapadalan ako ng Padas ng aking lola mula sa La Union. Taon bago ako mapadalhan lalo na't mahirap makahanap nito sa palengke. Kung kaya't kapag binigyan ako ng Padas, tinitipid ko ang pagkain noon. Isa pa, kapag pinadalhan ako ng Padas, akin lang yun. Selfish na kung selfish.
Bago kami pumuntang Thailand, pinadalhan ako ng maraming padas. Bago kami umalis sinabi nga sa aming Tita Jenny na para sa akin lang iyon at mahirap makakuha noon.
Pagbalik ko sa Pilipinas, konti na lang ang nakita ko.
Selfish na kung selfish pero tinitiis kong kumain ng pakonti konti noong maliliit na isda para lang hindi ako maubusan bago dumating ang susunod na padala. Kung may pahintulot ko o may pagpapaalam man lang, mapagbibigyan ko naman.
Feeling ko lang nanakawan ako.
Oo, pathetic. Pero ayoko talagang ginagalaw ang mga gamit ko.