Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang post na ito. Ahahaha. Kasi magulo na naman utak ko. Siguro tamang simulan itong post sa pagsimula ng aking araw.
Umaga
Gumising ako ng maaga para hindi malate sa scheduled consultation ko sa aking thesis adviser. 3am ako natulog at gumising ako ng 10am. Nakakahiyang maging late. Sa ganitong sitwasyon hindi ko pwedeng sabihin na "I'm not late, everyone's just early" blah blah shit ko.
Moving on, noong nakonsulta ko ang aking thesis adviser, dun lang ako nagising na marami pa pala akong kailangang gawin para sa thesis. At dapat ko ng simulan yun ngayon. Or rather, bukas. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Gaya ng ginagawa ko sa post ko na ito. Siguro sa simula na lang ako magsisimula.
Tanghali
Nakita ko sina Aizza, Monica at Karen. Kumain kami sa Katag. Matagal-tagal na rin bago ako nakakain sa kantin ni sir Co. Masarap naman yung sinigang na kinain ko. Nakabonding ko si Monica, Karen at si Aizza (kaso ang aga niyang umalis). At sobrang saya ko naman dahil kahit papaano nakabonding ko silang muli (Naks. drama. pero seryoso).
Hapon
Pumunta ako sa bahay ng officemate ni Lawrence dahil mayroong bday celebration. Si Kuya Darwin at Kuya Anwar. :D Tapos nandun siya.
Una, gusto kong iclarify na si siya ay isang babae. Pangalawa, gaya ng sinabi ko kay Lawrence "I'm torn between jealousy and attraction". Pangatlo, sobrang ganda niya.
Well, una pa lang siya. Ang pangalawa ay yung big blow sa akin mula kay Lawrence. Mukhang walang sense yung pagbili ko ng mga dress. Di bale, ako na lang bahala kung saan ko susuotin yun.
Nabagsak ko rin pala yung phone ni Lawrence. Dalawang araw pa lang yung phone na yun. At sobrang pinaghirapan at mahal na mahal ni Lawrence yung phone na yun. It broke my heart. I can't believe I broke my boyfriend's phone! Hay.