Pumunta kaming Trinoma. Naubos ang oras kakahanap ng BPI atm. Kasi pareho kaming walang pera. Maraming kwento. Maraming katatawanan. Marami na naman akong makakalimutan.
Kaya dapat iblog. Ayon kay Kumi, kapag isinulat ko sa blog hindi ko makakalimutan. So ito ang gagawin ko.
Lilista ko na lang kasi yun yung paboritong gawin ni Claire.
1. Masayang masaya ako sa Mercury Drug. Buti na lang pumasok ka roon Claire. Reminder to self: bibili nung manicure kit at solvent para hindi na gumastos sa parlor.
2. Aktibista ako. Hindi lang halata. Kasi iba yung pagiging aktibista ko.
3. Mahal pala ang mga dress.
4. Ironic nga na gusto kong mahawakan ako sa leeg pero ayokong magpaakbay.
5. Masayang kumain sa Burger King kasi marami yung fries, malaki yung burger, kyut yung toy, may malaking tv at may wifi. Yun na magiging tambayan ko.
6. Mahilig kami ni Claire mag-analisa ng mga tao. Sa totoo lang kapag kasama ko siya, siya madalas magSURI ng tao. Pero pareho pala kami.
7. Sayang hindi tayo nakapunta ng Gateway.
8. Codes na lang kasi sensitibo: Five minutes, videocam, erase, gusto ko.
9. Road trip. kailangan lang natin ng may magle-lead.
10. Director ako, ikaw scriptwriter. hanap na tayo ng actors. :D