Marami akong bagay na gustong sabihin mula sa aking pag-akyat ng bundok. Kaso masyadong mahaba kung hahayaan ko na lang na sabihin lahat ng gusto kong sabihin ng wala mang lang structure or outline. Kaya magna-number blogging na lang ako. yung format na gustung-gusto ni claire.
1. Kaya ko pa lang umakyat ng bundok.
Marami akong gustong gawin sa buhay. Pero dahil pessimist ako, hindi ko ginagawa ang mga yun. Isa pa, buong buhay ko alam kong hindi ako yung sporty na babae. Yung loner, secretive, nerdy na babae pwede pa pero yung sporty hindi. Ni hindi nga ako makasayaw dahil hindi talaga maganda ang coordination ng katawan ko.
2. Marami pa ring magagandang lugar sa Pilipinas.
Lately, naririnig kong nag-uusap ang parents ko. Aalis na raw kami sa Pilipinas. Kaya lang naman hindi kami umaalis dahil ayaw ko at ng tatay ko. Ngunit mukhang on-board na rin ang tatay ko sa pag-aalis ng Pilipinas. Ako na lang ang may ayaw. At dahil hindi naman ako ang nagdedesisyon sa bahay, malamang umalis nga kami. Pag nagkaroon ng pagkakataon. Naisip ko tuloy, andami ko pang hindi nakikitang lugar sa sarili kong bansa tapos aalis na kami? Para bang lilipat kami ng bahay kahit na hindi pa namin na gamit ang lahat ng kwarto ng bahay namin. Dahil posibleng umalis kami, dapat makita ko na ang Pilipinas.
3. May pagka-control freak ako.
Given na yata eto. Pero na-affrim na naman ito sa pag-akyat ko ng Mt. Pulag. Hindi ko talaga kayang mag-let go at mag-enjoy. Lagi ko na lang pinoproblema yung mga magiging problema kung sakaling magkaroon nga ng problema. Buti na lang hindi kami nag-away ng kapatid ko habang nagka-climb. Kundi malungkot ang bakasyon namin.
4. Isa akong pagong.
Slowly but surely, naakyat namin ang Mt. Pulag. Hindi kami yung mga mabilis o magaling umakyat. Kami yung last man kumbaga. Pero natutuwa pa rin ako dahil kahit na mabagal kami ng kapatid ko, nakaya namin ang Mt. Pulag. At nakita at naranasan namin ang dapat maranasan. Madalas ngang ako yung pagong. Mabagal akong makakuha ng steps, mabagal akong kumain, mabagal akong gumalaw. Pero sinisiguro ko na kapag ako na ang gumalaw, matutupad at matatapos ko iyon.
5. Hindi ako mahilig sa sunrise, pero nagustuhan ko yung sa Mt. Pulag.
Alam ng mga taong malapit sa akin na hindi ako morning person. Hindi ko talaga kayang gumising ng maaga. Madalas akong gising sa gabi. May pagka-insomniac kasi ako. Pero kinaya kong gumising ng 3:00am kahit na pagod na pagod ako sa paglalakad pa-akyat ng bundok. Para lang makita ang sunrise. At oo, nain-love ako sa sunrise na yun. Sa unang pagkakataon, ni hindi ko maikumapara yung pinakamagandang sunset na nakita ko sa sunrise ng Mt. Pulag.
Marami pa akong mga pics kaso nagkaproblema ako sa lighting. Pero nirerekomenda ko na makita niyo itong sunrise na ito. Punta kayo ng Mt. Pulag.