Warning: Magiging sexist ako mga susunod na talatang aking isusulat. Panandalian lamang ito. Wag sanang isipin na itinataksil ko ang aking pagkababae. Pero sa totoo lang, ok lang din kasi hindi naman ako feminist. Pwede siguro akong humanist, pero hindi ko sigurado. Masyado na lumalayo kaya itutuloy ko na ang aking blogpost.
Noong 2nd year highschool ako, sabi ko sa mga kaklase ko na gusto kong maging lalake. Matagal ko na naman gusto yun. Impluwensya siguro sa katotohanang ang gustong anak ng tatay ko ay lalake. Kasama pa nung mga makalumang pribilehiyo ng mga lalake gaya ng maagang pakikipagrelasyon, maagang pakikibarkada, pagpa-party hanggang umaga at iba pa. So nung 2nd year ako, sinabi ko na magpapa-sex change ako.
Sinabi ko yun sa lahat. Naalala ko pa nga na kung hindi man ako magpasex change, gusto ko sa aking kasal ako ang naka-tuxedo at ang asawa ko ang nakawedding gown. Hinding hindi ko makakalimutan yun kasi alam ko nasa chapel pa kami ng school ko nung sinabi ko yun.
Bata pa lang ako, malikot na ako. Wala akong "finesse". Hindi ako mahinhin. Hindi ko pinakikialaman kung nakabukaka ako sa pag-upo o kung magulo buhok ko o hindi. Sabi ko pa nga sa sarili ko, "kung talagang mahal ako ng magiging asawa ko, kahit na hindi ako maganda dapat magustuhan niya ako". Kaya wala akong pakialam kung gaano karami ang peklat ko o kung gaano na ako kaitim sa kakalaro sa labas ng aming bahay.
Isa pa, ang hirap kasing manirahan sa "girl world". Masyadong maraming cat fights, insecurities, secrets, betrayal, etc. Kapag nasa "boy world" basta hindi ka lang lampa ok ka na e. Maglalaro na lang ng basketball o di kaya DOTA. Hindi kasing hirap ng ginagawa ng mga babae.
Gustong gusto ko rin maging lalake kasi mas malapit ako sa mga lalake pagdating sa pakikipagkaibigan. Feeling ko kasi hindi sila plastik. In turn, mukha naman akong malandi sa "girl world". Kaya in the end, tinigil ko na rin yun.
Sa ngayon, kahit papaano nasasanay na ako sa "girl world". Gusto ko pa rin makipagpalit ng katawan kay Lawrence for one day--para lang malaman kung anong feeling maging lalake. Kung tama ba na mas madaling maging lalake kesa maging babae. Pero gusto ko na rin maging babae, may benefits naman. Hindi ko lang talaga siguro kaya yung mga cat fights. Hirap na rin kasi ako sa mga ganun.
Kaya kahit babae ako, magpapaka-lalake na lang ako. Basta hindi ka lang lampa, maglaro tayo ng basketball o DOTA. :D