Dahil hindi ako nagsa-summer, nagui-guilty ako. May doubts akong hindi tama ang desisyon ko.
Una, dahil hindi ako makakapag-ojt. Hindi ako makakaranas ng pagsusulat sa magazine o sa pahayagan. Isa pa, pagka-graduate ko wala akong mailalagay sa resume ko kundi freelance tutor ng mga koreyano.
Pangalawa, feeling ko wala akong ginagawa. Gusto kong gumawa ng tesis pero parang ayaw gumana ng isip ko. Pero dapat gumana. Kaya sa lunes, dapat mag-inquire ako kung paano ako makakapaglib ngayong summer. Oh well.
Lilipas din itong guilt trip ko. At sana pagkatapos kong mag-aral, makapasa ako sa UP Law o di kaya'y makahanap agad ng trabaho.