Meet SALT. :D Bago kong pusa. ehehehe. Nakita ko siya sa daan. Muntik na siyang masagasaan ng kotse. Iyak siya ng iyak kahapon. Hinahanap niya yung mommy niya. Kaso hindi namin mahanap, kaya kinuha ko na lang. :D
Gusto ko pa naman ng black cats. =P Dapat Irony pangalan niya. O di kaya Karma. Kaso ayaw ng kapatid ko. So, Salt na lang. Kasi may aso kaming Pepper.
Kaya Salt and Pepper. Ahahaha. Babaw. Korni rin no? Pero super saya ko na may pusa ulit kami. Mababait pusa e. Tsaka malambing. Kaso ibang usapan na yung amoy ng kanilang dumi. Hopefully, matrain agad si Salt para hindi na magkaroon ng ganung problema. :D