1. Pumunta si Lozada sa UP. Hindi ko siya nakita. Hindi rin ako sumama sa rally. Ibig sabihin ba nun apolitical o apathetic na ako?
2. Tinatanong ni Sir Jun kung nasaan daw ang UP sa isyu ng NBN Deal. May ginagawa na raw ang La Salle at Ateneo ang UP raw nasaan. Gusto ko sanang sagutin na "Sir, nandyan pa rin. Mula noon hanggang ngayon ipinaglalaban pa rin yung isyu. Mas highlight lang yung mga bagong schools kasi ngayon lang sila lumalaban. Kaya mas maraming focus sa kanila."
3. Pauwi, niligaw kami ng taxi driver. Feeling ko dahil yun sa hindi kami sumali sa rally. Ahahaha.
4. Sabi ko kay Lawrence, "Paano kung officially mag martial law?" Sagot niya wag daw akong mag-isip ng masama. Sabi ko, "Martial law naman na e. Wala lang curfew."
5. Mayroon pa rin pa lang mga tao na hindi naniniwala na malaki ang sira ng Pilipinas. Kasi mayroon pang hindi naniniwala kay Lozada. Kailan kaya matatapos ang skepticism ng mga Filipino?