Sabi ni Claire dapat dine-define mo kung sino ka, para alam mo kung nag-eexist ka.
Noong pumunta kami sa Banawe, Sagada at Baguio ng aking pamilya, kahit papaano ndiskubre ko yung sarili ko.
Simula pa noong 4th year highschool ako, nawalan na ako ng gusto. Bineblame ko ang daddy ko. Sa tuwing tatanungin niya kami ng kapatid ko kung ano namin gustong kainin, saan pupunta at kung anu-ano pa, matapos namin sabihin yung gusto namin, kinokontra niya ito at masusunod yung gusto niya. Simula noon, wala na akong gusto.
Sabi ko sa sarili ko, sa mga maliliit na bagay lang ako magiging indecisive. Gaya ng kung ano ang kakainin ko o kung ano ang susuotin ko. Pero hindi ko alam, naging lifestyle ko na siya. Kaya hindi na rin ako nakakapagdesisyon kung ano nga ba ang gusto ko sa buhay.
Kaya ngayong taon, resolusyon ko ang idefine kung anu-ano nga ba ang mga gusto ko. Kailangan na akong madepina. Kailangan ko maprove na ako'y nag-eexist.
Ito ang ilang mga bagay na pinag-isipan ko at napagdesisyunan kong gusto ko.
1. Gusto ko mag-wall climbing. Hindi pala natanggal sa akin yun mula pa noong grade6 ako. Nadagdagan lang ng 'gusto kong mag-spelunking'. 2. Hilig ko ang photography. Naglinis si mommy ng mga dati naming gamit. Nakakita ako ng picture ng 1st communion ng kapatid ko. Nakakatawa kasi extra lang ako sa picture. Dun ko nakita na may hawak akong camera. Hindi ko na maalala yun. Ang naaalala ko lang, ako ang photographer ng yearbook at newspaper namin sa school noong 4th year highschool. Hindi ko alam na noong bata pa pala, gusto ko na yung photography. 3. Mahilig ako sa mga gadgets. And I take good care of them. As in obsessive compulsive love for my gadgets. 4. Mahal na mahal ko ang patis. Hindi ko talaga kayang kumain ng walang patis. 5. Napatunayan ko na na mahal ko rin talaga ang sinigang na baboy. Kasi kahit araw-araw kong kainin yun ok lang e. Hindi ako nagsasawa. :D
Yan pa lang naisip ko e. Medyo indecisive ako sa iba pang bagay. Pero at least ngayon, alam ko na yung iba kong tunay na gusto.