Ganito pala ang humingi ng tulong. Hindi ko alam na magiging ok pala.
Mayroon akong 'trust issues'. Hindi ako madaling magtrust. Hindi ako madaling humingi ng tulong. Syempre, madali lang humingi ng tulong sa maliliit na bagay. Kaya ko yun. Kaso kapag sa malalaking bagay na nahihirapan ako.
Alam ni Lawrence yun. As much as possible, hindi ko siya natrust sa mga bagay na sa tingin ko ay hindi niya makakaya, hindi ko man alam kung tama yun o hindi. Ganun din ako sa aking pamilya, kaibigan. Nakakahiya man sabihin ito, may pagkaperfectionist ako na negatibo.
Pagdating sa emosyonal na problema, hindi rin ako nagsasalita. Nagsasabi ako kapag napapagod ako pero hindi ko sinasabi kung anong tunay na rason. Marami akong kinikimkim. Marami akong maskara.
Kilala ako bilang isang kaibigan na madaling puntahan. Kapag may problema ka, kausapin mo ako handa akong makinig. Kung kailangan mo ng advise, bibigyan kita. Kung kailangan mo ng tulong, nandoon ako.
Nakakatawang isipin na kapag ako na ang namomoblema, hindi ako makahingi ng tulong. Hindi dahil sa alam kong tatanggihan ako. Dahil lang sa iniisip kong tatanggihan ako. Dahil alam kong kadalasan tinatanggihan. Ganun ako ka-negative mag-isip. Ika nga ni Claire, 'ako na ang pinaka-paranoid na tao na nakilala niya.'
Hindi ako magaling magdelegate ng tasks dahil dito. Para sa akin, kung may kailangan gawin ako na lang gagawa para hindi makaabala o hindi na magkamali. Yan lang yung dalawang rason ko. Napakasaklap na sobrang negatibo nung pangalawang rason.
Kaninang AP193, minalas ako at nabunot ko ang pangalawang slot sa oral report. Wala pa akong data. 9 days na lang bago ako humarap sa klase at sa propesor para magbigay ng economic analysis ng isang business. Cramming to the max ito dahil hindi lang ang ap193 ang inaalala ko sa ngayon.
Matapos ng aming klase, kinomfort ako ng aking mga kaibigan. Natutuwa ako dahil kilala na nila ako. Alam nila na madali akong magbreakdown kapag nastre-stress. Alam nila na nastre-stress na ako.
Hindi ko man hinihingi ang tulong nila, binigay nila ito ng kusa. Natutuwa ako kasi ibinigay na nila sa aking ang isang bagay na hindi ko kaya hingin kaagad. Kasama ito ng mga assurances na makakayanan kong gawan ng paraan ang report na ito.
Sa unang pagkakataon, napalagay ang loob ko. Hindi naman pala lahat ng tao ay maramot. HIndi naman pala lahat ay hindi mamimigay ng tulog. Mayroong mga iilan, na matatawag na tunay na kaibigan, na magbibigay ng tulong kahit hindi mo pa hinihingi.
Salamat sa inyo. Alam niyo na naman kung sino kayo.
Napatunayan niyo sa akin na hindi naman kasing sama ang mundo gaya ng iniisip ko. :)