Maraming Salamat sa pagbibigay sa akin ng walang tatapat na pag-ibig. Alam kong minahal mo ako at patuloy na minamahal ng lubos ng iyong makakaya. Sana'y sa panahon na tayo'y magkasama, naiparamdam ko sa'yo ang aking tunay na pagmamahal. Hindi man ako perpekto o ideyal na nobya para sa'yo (Pasensya na), masasabi kong (sa ngayon) ikaw na ang pinakamamahal ko. Hindi ko na maibabalik pa ang mga oras na tayo'y masaya. Bagaman, nais kong maibalik iyon ng lubusan.
Mula ngayon, binibalik ko na ang iyong kalayaan upang makahanap ng mas karapat-dapat na minamahal. Wala na akong magiging karapatan upang hadlangan o harangan ang mga ninanais mong gawin. Ipapakita ko ang aking suporta sa higit na makakaya ng kaibigan.
Ikaw na siguro ang pinakamatalik kong kaibigan dahil iniisip ko palang, alam mo na ang aking igagalaw o sasabihin. Pipilitin kong hindi ka itulak papalayo sa akin dahil alam kong hindi na ako makakahanap pa ng katulad mo. Aalagaan kita hangga't sa makakaya ng isang kaibigan. Hindi kita pababayaan at lagi kitang pasasayahin, kahit sa mga jokes man lamang.
Sa huling pagkakataon, binabanggit ko na "mahal kita, Lawrence". At mula ngayon, bibitawan na kita.