Hinawaan ako ni JH (estudyante ni Nelson) ng sipon noong Miyerkules. Kinaya ko pa rin ang mga naka-schedule kong gawain kahapon. Ngayon, hindi ako mapakali sa daming deadlines na kinakailangang tapusin kung kaya't hindi na ako nakapagpahinga.
Nasa computer shop ako ngayon dahil nawawalan na naman ng dialtone ang aming telepono. May meeting ako sa ym. May tutor ako kinabukasan ng 1-3pm. May 3 kailangang ipasa sa org. Pagod na yata ako.
Ahaha. Parang nagrereklamo ako. Pero hindi. Ano nga ba itong ginagawa ko? Uhm, reminder. Baka kasi makalimutan ko na naman. Gaya noong nakalimutan ko na gusto ko pa lang gumalaw.