I'm currently in love with Fall Out Boy and New Found Glory. :) Haaaay! :)
Finally, natapos ko rin ang paggawa ko ng mga handouts. Break time muna. Dapat pa pala akong gumawa ng reaction paper tungkol sa ACLE ko last Thursday para sa Fil10.2. Waaah! Tapos report ko na mamaya. Sana maging ok naman ang report ko. Kinakabahan ako. Baka magkamali naman ako. Crush ko pa naman nasa klase. Damn.
Sana lang ma-appreciate ni Mam ang ginawa kong 9pages (11pts Times New Roman .5x.5 margin, 2 columns) na handouts at written report ko ano? Sana UNO na yung grade ko. Para masabi naman ni Mam na kahit medyo mababa ako sa mga vocab exams, nababawi ko naman sa mga reports. (Talagang mahina na memory ko. Di ko na kayang matandaan yung ibang mga vocabs ni Mam).
Parang ngayon ko lang nafi-feel na nakabalik na ako sa pagiging estudyante ko. :) Yey! Walang responsibilidad kundi ang mag-aral. Kaya dapat karirin ko lang mga subjects ko ngayon.
Checklist:
Do profiling and investigative research on UP Boarding houses
Reporting on Chinoys and Nationalism for Kas116
Paper on Philippine Daily Inquirer and Nationalism (Final paper for Kas116)
Interview with an Ilonggo/a in Hiligaynon for Fil10.2
Reporting on 'Sa Ngalan ng Ina: Mga Tulang Feminista' for AP101
Paper on Kulturang Popular (Final paper for AP101)
Exams on Envi Sci1 and Bio1
Gogogogo! :) Tapos syempre magiging aktibo na ako sa aking mga organisasyon. Sana ngayong sem, kasama na ako ng UP PIKSIYON. Parang antagal-tagal ko nang nag-aapply. Lolz. Magiging visible na rin ako sa UP PRIMO para naman hindi sabihin na nanloloko lang si Muma Joan na mayroon siyang 'anak' na orgmate. (sori Muma! :P) At sana maging maayos na ang maging lagay ng UP SIKAP. Dapat maging parte pa ako sa mga aktibidades ng UP SIKAP. Para naman maitaguyod namin ang aming pangalan ('Babangon kami CARMEN!!').
1:30 na. Tsk tsk. Magpapaxerox pa ako ng mga handouts. Kelangan ko na talagang gumawa ng reaction paper. Haaaay! Cramming.