<meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/19541902?origin\x3dhttp://loreyblogs.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>


Wednesday, June 28, 2006

Go Aklan!

May reporting kami ng aking mga magagaling na groupmates tungkol sa Aklan. Para ito sa Fil10.1 (Hiligaynon). At!! Bibigay lang namin ang best namin dun!

Ako ang gumagawa ng Visual Aids. :) Pinahiram ako ni Riyah... ang aking boardmate ng kanyang laptop. Kaya sobrang grateful lang ako sa kanya. Sana makakuha kami ng magandang grade sa aming pagre-report. :)

Isa pa! May groupings din kami sa Fil155 namin. Kaya lang hindi ko kasama sina Nelson. Si Shobe lang ang nakasama ko. :) Edi new people!! :) So, ayun... mayroon kaming maliit na presentasyon ng aming tribo!

Ang aming tribo nga pala ay tawag na tribo Babayi! :) Hiligaynon at Kapampangan ito sa babae. Kami lang kasi yung tribong puro babae. :) Astig no?

-Lo-



Saturday, June 24, 2006

An American Haunting

Nyahahaha. Nanood kami nina Kat, John at JM ng An American Haunting sa Shang kanina. Grabe yun. Medyo late lang sila nag-inform na kailangan ko nang maligo dahil aalis na kami.

Maraming salamat sa inyo guys. :) Had a great time. :)

So ayun, nanood kami diba? Natutuwa lang ako sa buong story. Nakakatuwa kasi tungkol lang talaga siya sa pag-rape ng tatay ng babae. Parang personality disorder pero poltergeist ang ginawa.

Natutuwa ako kasi yun lang talaga yung naging topic ko sa tesis. Yung mga trauma na nakukuha ng mga bata. Kagaya na lang ng pag-rape sa kanila. Maging ito man ay kasambahay, kadugo o estranghero.

Nakakatakot nga naman talaga kung yung sarili mong tatay ang nang-rape sayo. Grabe lang talaga yun. Parang yun lang yung nangyari sa karakter kong si Nena. Pero in fairness, hindi naman niya totoong tatay yung nang-rape sa kanya--stepdad. Pero syempre sya nagpalaki sayo diba? Tsk tsk.

Ang tanong: Malala na ba ang image ko sayo?

-Lo-



Saturday, June 17, 2006

Adobe Tutorial

I am obsessed with Adobe.

Well... Not really.

Hindi pa rin ako nakakagawa ng mga big works. Pero kahit pa paano nakagawa ako ng blogskin. Gamit ko ang mga quotes mula sa librong Atlas Shrugged ni Ayn Rand. Dahil obsessed ako sa librong yun sa ngayon.

Kinakailangan ko na talagang mag-ipon ng pera. Gustong gusto ko na talagang magkaroon ng sarili kong laptop. Biruin mo ba naman, binabaan na yung singil sa akin ni Tita. Imbes na P200 a month, P50 a month na lang yung laptop. Naliwanagan na siguro siya na hindi naman talaga ganun kalakas sa kuryente ang laptop. Besides, mayroon kasi akong boardmate na may PC. Yun ang chinarge niya ng P200 a month. Grabe yun oh.

Kaya talagang gustong gusto ko na talaga ng laptop. Isa pa, gusto ko na talagang matuto ng Adobe. At syempre kung may laptop na ako mapra-practice ko yung knowledge ko dun hindi ba? :)

Tsaka malamang kailanganin ko ang computer ngayong sem. Kas 114 at Journ100 ko pa lang nagsusumigaw na sa paper. Impossibleng hindi ko kailanganin ang computer.

Kaya nga mas maganda kung magkaroon na ako ng laptop. Medyo pinaparinggan ko lang ang isang tao dyan *ikaw yun Lawrence!* Nyahahaha!

Oh well. Kakain muna ako ng tinapay. Masarap lang yun kasama ng Nutella. Pramis! :)

-Lo-



New Blogskin

Whaw! For the first time in my life nakagawa ako ng sarili kong blogskin. Medyo simple at korni siya pero ok lang yun sakin. Ako may gawa e. Nyahahah! At hindi naman masyadong pink ano?

Bwahahahah!

Hindi pa ako kumakain ng lunch. Ano ba naman yan. Haaay. Dahil tapos ko na ang blogskin ko, i guess pwede na akong maglunch. Punta pa kami sa salon mamaya kasi magpapagupit ng hair yung kapatid ko. After nun punta pa kami sa SM para bumili ng ilang mga bagay.

Hmmm... Musta ka?

-Lo-



Friday, June 16, 2006

Grabe. Frustrating.

Hindi ko talaga kayang makagawa ng blogskin. Sana talaga ay magturo sakin... Yikeee... konting parinig dyan.

Congrats kay Aizza dahil ang kyut nung ginawa niyang blogskin. Galing talaga o!

Nakauwi na ako ulit sa bahay! :)

Pasensya na Lawrence. Minsan talaga frustrated lang ako. Lagi na lang kita napagdidiskitahan no? Waaah!

May pasok na! Astig... Grabe yung Journ100 namin. May readings na agad. At mukha lang nakakatakot yung prof. Naku! At take note! Ingles lang yata ang pwedeng gamiting lengguwahe sa klaseng yun. Naku... Medyo nakalimutan ko na ang pagsasalita at pagsusulat ko sa Ingles. Good luck sa akin.

Mukhang magda-diet lang talaga ako. Tuwing Mondays at Thursdays kasi 10:00am - 4:00pm lang ang klase ko. Walang breaks. Grabe yun. Ang lunch ko siguro sabay na rin ng dinner kasi nakakatamad na kumain pa. Balak ko one-half rice na lang tapos kakain ako ng around 5pm. Para ang dating before 6 ang diet ko. Kinakailangan ko lang matulog ng maaga para hindi na rin ako gutomin. :)

Pangit lang yung room namin sa Archaeo 2. Kanina nga nung sinabi ko sa kaklase kong si Monica at Cacs. Ang sabi lang nila i-drop ko na lang daw. Lolz. Asa tayo. Hanep sa joke ha?

Gutom na ako...

-Lo-



Saturday, June 10, 2006

in the past few days.

waaaah! lapit na pasukan. kailangan ko yata ng stresstabs this sem. Goodluck sa Journ 100 ko. Kaya natin yan Monica! :)

Hmm... Di ko na malaman kung kailan ako mag-uumpisa sa aking pag-uupdate.

:June 3, 2006:

It's my Lolo's Birthday! :) Pumunta kami sa Manila Memorial Park para bisitahin si Lolo. After a prayer, dumiretso kami sa SM Mall of Asia. Marami lang tao nun. Kainis actually. Hindi ko masyadong na-enjoy. Pero ang pinakamasarap na part ng aming pagpunta dun ay nung kumain kami sa Kalye Juan. Try nyo sya. Kung mahilig kayo sa Filipino foods. Affordable at Masarap!

:June 4, 2006:

Leadership Formation na naman! Medyo maaga lang kami dun ano? Kami ang nagbukas ng Center. Akala pa namin walang matutuloy na leadership formation. Feeling pa tuloy namin postpone pero hindi kami nainform. So ayun, nalaman ko ang ilang mga sikreto na nali-link sa aking mga ka-youth. Grabe yun oh! Boylet na naman... Tsk tsk. Nyahahaha! :)

Pinagawa rin kami ng aming sariling prayer meeting. Yung group namin, ang ginawa kid's prayer meeting. Kaya madali lang. Tungkol sya sa Obedience. Kaya astig. :) Ang pinili naming Gospel, yung istorya ni Jonah. :) Naging ok naman yung performance level namin. :)

:June 5, 2006:

So ayun. Nag-teambuilding kami sa UP SIKAP. Grabe yun. 6:45 ang call time. Ang ibig sabihin, 5am pa lang dapat nakaalis na ako. So gising naman ako ng 4am. Kulang na kulang talaga yung pahinga ko. Ilang araw na rin kasi akong puyat.

Nakakalungkot na late na nagstart yung teambuilding. So ayun, ang mga kagrupo ko si Ate Shine at Ate Ruth. Naka-sandals lang si Ate Ruth. Akala namin ni Ate Shine sya yung mahihirapan, yun pala sya pa ang humihila sa amin. Naging matagumpay kami sa Amazing Race. Kami ang nanalo! Yey! Kahit na pangalawa lang kami sa pinakamabilis, nanalo pa rin kami dahil ang mga pinadalang itlog sa amin ay hindi nabasag. Sa iba kasi, nabasag nila yung kanilang mga itlog.

Matapos ng aming Amazing Race, nag-open forum kami. Naging matagumpay ito. Natutuwa ako kasi hindi naman pala galit sa akin ang mga taong inaakala kong galit. :) Masyado lang talaga akong paranoid. Matapos sana ng aming open forum ay mag-lilinis tambayan kami. Kaya lang hindi namin naayos ng maigi ni Ate Jett ang pagpla-plano ng linis tambayan. Hindi na rin kaya ng mga tao ang maglinis dahil din sa sobrang pagod. Kaya umalis na lang kami.

Dumiretso kami nina Chino, Aizza, Ate Shine at Kuya Josh sa department. Para malaman namin kung nakapasa na kami sa BA AP. Naging maayos na rin naman kaya lang hindi pa napipirmahan ng ilang mga tao ang aming aplikasyon. Kaya kinabukasan na kami makakakuha ng admission slip.

Kumain na lang kami sa may CASAA. Dun namin nakilala si Totoy Bato at si Mamataym. Grabe yun. Imaginary friends yun ni Aizza at ni Kuya Josh. (Hmm.. parang ang sarap gawan ng link ano?) Sobrang tawa lang kami ng tawa nina Ate Shine.

Nang maghiwalay na kami, nagkita na kami ni Lawrence at hinatid na niya ako sa Taft. Siguro, palagi nang ganun ang direksyong gagawiin ko kapag uuwi sa Las Pinas. Mas madali at mas komportable kasi.

:June 6, 2006:

Pinalabas na ang The Omen. Oh well.

Ayoko sanang umalis ng bahay kaso kinakailangan na naming maayos ang aming admission slip. Sabi nina Ate Susan, maaari na kaming pumunta sa UP ng after lunch para kukunin na lang kay Kuya Pabs yung admission slips namin.

3pm na ako nakarating dahil sa sobrang pagod. Grabe lang yun. Naghintay lang kami ng naghintay. Malapit na mag-5pm nang papasukin kami at pagfill-up ng mga dokyumento. Grabe lang talaga yun. Paano ba naman kasi, nung umaga raw hindi pa ipinapasa ng dept namin yung mga na-aprubahang aplikasyon. Grabe lang yun o. Mag-eenrolment na kinabukasan hindi pa namin naaayos. Kamusta naman ang enlistment namin ano?

Pinuntahan ko na si Lawrence sa Mcdo Philcoa noong matapos kami. Medyo nakalimutan ko lang na hinihintay pala niya ako dun ano? Waaah! Nagalit lang talaga ang hun ko. Grabe yun. Medyo first time na hindi. Kasi hindi naman talaga sya nagalit. Nung nakita niya ako, ok na.

:June 7, 2006:

Ito na ang pinakahectic na araw ko. Maaga palang umalis na kami sa bahay. Enrolment kasi naming pareho ni Gray. Kaya talagang lahat kami kinakailangan maaga.

8am ako nakarating sa may OUR. Grabe na ang pila. pang-132 na ako nung nakarating ako dun. At ang tagal lang namin natapos. Kung hindi pa kami nagpasimpleng sumingit, naku! Wala na kaming mapapala.

Hindi na ako nakapag-enlist ng CS na GE. Hindi na ako umabot. Pati si Aizza hindi na napalitan ang Psych 101 niya dahil late na kami nakarating sa enlistment booth. Dahil nga late na narelease ang aming admission forms.

Kumain na lang kami nina Chino at Aizza sa Wendy's sa Berkley Square. After nun, bumalik na kami sa UP para makapag-enlist ulit. Napalitan ko na ang schedule ng aking Geog1 kaya hindi ko na kinakailangang gumising pa ng maaga. Nakapag-enlist na rin ako ng Kas114. Wala na kasi akong choice. Ayoko namang mag-15 units lang ngayong sem.

Matapos ng aming assesment, umuwi na ako. Maaga rin kasi ako dapat makauwi kasi BIRTHDAY NG DADDY KO! :) AT ANNIVERSARY NILA NG MOMMY KO! :) Double Celebration!

Kaso pagdating ko sa bahay, bagsak agad ako sa tulog. Ginising na lang ako ng kapatid ko para kumain ng dinner. Nag-Max's na lang kami. Dapat Starbucks din kaya lang tinamad na kaming lahat dahil sa sobrang pagod.

:June 8, 2006:

Kala ko tapos na ang paggising ng maaga ano! Ginising ako ng daddy ko. Grabe lang yun. Tinanong ko pa talaga sa kanya kung bakit niya ako ginigising. Hindi ko kasi alam kung anong meron sa araw na ito e. Hanggang sa sinabi na lang niya na ihahatid na namin sina Grace, Gelo at Tito Robert sa airport. Ayun. Aalis na pala ngayon sina Grace. Hindi ko pa alam.

Sa Canada sila pupunta. At dun na rin sila maninirahan. Iniisip ko nga malamang, malapit na rin kaming mag-migrate. Sana lang hindi sa USA. Pero minsan napapaisip din akong sana... sa USA.
Yikee.

:June 9, 2006:

Nagkaroon kami ng meeting. Isa lang ang itatanong ko sa sarili ko...

Kaya ko ba?

:June 10, 2006:

Birthday celebration ni Aj sa SM Mall of Asia. Well... at least ngayon hindi na masyadong maraming tao. Sinabi ko kay Aj na sa Kalye Juan na lang kami kumain para mura. Aba! Sumunod! Nabusog naman kaming lahat. 14 kami. Kulang pa ng dalawa. Haaay.

After nun, dahil nakatipid si Aj nilibre niya kami para manood ng The Omen. Ok lang yung movie pero hindi rin ganun kaganda. Mas gusto ko pang matulog ano?

Nakaka-guilty. Sana ok lang talaga.

-Lo-

writer



.lorey.
.lo.lowee.rey. .chinagirl.lorei.
.18.
.UP Diliman.
.first child.
.believer.
.techy addict.
.writer.
.soul searcher.
.workaholic-wanna-be.
.pilates-crazed.
.frustrated guitarist.
.taken.
.sun.smart.globe.
.patis.chocolates.
.sinigang.
.guitars.music.

.ym id:.
.loreydeguzman.
.email:
.loreydeguzman@yahoo.com,
.lodeguzman@gmail.com,
.lldeguzman@upd.edu.ph

.my friendster.
.my multiply.
.my livejournal.

talk to me



literature

.aizza.
.lawrence.
.gilba.
.nika.
.claire.
.claire-lj.
.claire-multiply.
.chino.
.monica.
.super_adz.
.mixka.
.ate connie.
.jeni.
.jeni-blogger.
.eden.
.mong.



past works

  • December 2005
  • January 2006
  • February 2006
  • March 2006
  • April 2006
  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  • September 2006
  • October 2006
  • November 2006
  • December 2006
  • January 2007
  • February 2007
  • March 2007
  • April 2007
  • May 2007
  • June 2007
  • July 2007
  • August 2007
  • September 2007
  • October 2007
  • November 2007
  • December 2007
  • January 2008
  • February 2008
  • March 2008
  • April 2008
  • May 2008
  • June 2008
  • July 2008
  • August 2008
  • September 2008
  • October 2008
  • November 2008
  • December 2008
  • January 2009
  • February 2009
  • March 2009
  • April 2009
  • October 2009


  • credits

    1 2 3 4 5

    readers

    AmazingCounters.com
    Orbitz Travel