Thursday, October 19, 2006
My sem has finally ended
Dear God,
Maraming salamat at naka-survive ako (kahit papaano) ngayong sem. Sa wakas, tapos na ang pagpupuyat para matapos ang napakaraming required papers ng aking mga subjects. Salamat din po sa pag-gabay at pagtulong sa akin upang magawa ko ang mga ito.
Salamat po sa panibagong pagkakataon para makapagsimula ng maayos sa susunod na semestre. Sana magawa ko ang lahat ng aking makakaya para maging mahusay na estudyante. Patnubayin niyo rin po ang aking mga kaklase, kaibigan at kapatid.
Salamat po! :)
-Lo-
Para kay Lawrence:
*hugs*
Salamat. Buti na lang nakita kita kanina. Kahit na sandali lang.
Para kay Nelson, Aizza at Shobe:
Sa totoo lang, natutulungan niyo akong maging masipag. Nyahaha! Sana mag-isaw tayo ulit. Kaso hindi ko gusto yung sa Ilang Ilang. Ahahaha. Salamat sa pagprovide ng mga nakakatawang jokes at komento.
Para kay Monica at Kokak:
Salamat sa pagsama at pagpursigi sa akin na mag-aral sa Fil10.1
Para sa SIKAP:
Namimiss ko na kayo. Sana maging buo muli tayo.
Para sa PIKSYON:
Salamat sa pagtya-tiyaga. Sana nga ma-induct na ako.
Para sa PRIMO:
Pasensya dahil hindi ako makapagparamdam. Sana sa susunod na semestre maging active na ako. :)
Para kay Abbee, KC, Erika, Joyce, Ate Gilba at Ate Rhea:
Salamat sa pagpapagising sa akin habang gumagawa ng mga papers. Salamat din sa mga CD, libro, laptop use at kung anu-ano pang mga pinaghihiraman natin. Mamimiss ko kayong aalis at sana'y maging matatag pa ang ating pagkakaibigan. Nyaks! Chummy.
Para kay Mah, Dah, Gray, Cinnamon, Ying, Yiang, Tomas, Isko (sumalangit nawa), Swit, Hart, Cookie at Chihuahua na wala pang pangalan:
Maraming salamat sa suporta at pagtitiwala. Sana naging proud kayo sakin. (Yes naman!) Sana lang hindi na ngat-ngatin yung mga tsinelas ko ng mga aso at pusa ano? Sayang kasi. Wala na akong masuot.
Para SAYO:
Salamat sa pagbabasa. Ibig sabihin lang nito, may saysay pa ang mga opinyon at mga sinasabi ko. :)-Lo-