Parang loko-loko lang ako... :) Natulog ako ng 5am kaninang umaga dahil inenjoy ko ang buhay internet. Hindi ko man lang naisip na mag-research. Tsk tsk.
Meron pa akong dalawang papel na kinakailangang gawin. Isang super haba at isang medyo maikli. Pareho ko pang hindi sinisimulan kahit na next week na sila. Badtrip. Haaay...
Andami kong gustong isulat kaya lang hindi ko masimulan. Hindi ko pa naisusulat yung tungkol sa Maya civilizations. Kinakailangan kong maisulat yun. Astig kasi. Ngek!
Bakit kaya wala pang sipag na dumarating sakin? Ate Aizza, pwedeng makihingi ng konting sipag?
Ay i-congrats lang natin ang aking Ate Aizza! :) Uno lang niya yung PSYCH 101 niya. Grabe yun. Sobra-sobrang galing!! :) Ehehehehe... Inggit ako. Malayo sa uno ang Journ ko. Lolz. Monica paano na tayo?
Speaking of Monica and Archaeo2... Nakakainis ka KURT! Hindi ka marunong mag-groupwork. Hindi ka marunong gumawa ng effort para sa team work. Wala kang kwenta. Kahit na matalino ka, wala ka namang effort walang mangyayari sayo. Lahat ng tao kailangan ang iba. I so pity you.
"You can't be a leader, if you don't learn to follow..." -Drumline