Nagmadali akong gawin at dumating ng hindi (masyadong) late para ipasa ang papel. Biglang may natanggap akong text mula kay Ate Aizza noong nasa may MRT Ortigas na ako.
"Extended yung paper, hanggang Friday. Wala si Mam."
Tsk tsk. Matapos kong paghirapan (yes naman... half-lie lang naman yan) at pagpuyatan. Nakow!
Matapos nun, nagfilm-showing lang kami sa Archaeo2 (will talk about this in another entry. Super cool/freaky). Diredretso ako sa tutor ko. Hanggang sa (finally) sinundo na ako ng prince charming ko (pagbigyan niyo na, minsan lang naman) at nakatulog sa taxi. :)
Matapos nun, nagdrama pa ako bago talaga nakatulog. After matulog ng sandali, bumangon para kumain. After kumain, hindi na ako makatulog.
Kaya.... NANGULIT NA LANG AKO. Diba Aboi at ATE KC? Nyahahaha! :)
GOOD NEWS:
Nakatulog na ako! Buhay na naman ako...
Kaso nakalimutan kong may make-up class pala kami kanina. E natulog lang talaga ako bago mag-work. Hagard. Nyahahha! Ok lang... Geog1 naman kasi yun e. :)