<meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/19541902?origin\x3dhttp://loreyblogs.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>


Friday, October 27, 2006

Olongapo Escapade!

Haay! Makakapagpahinga na ako! Makakapagbakasyon na! :)

Pupunta kami nina Kasuy, Kathoid (sis ni Kasuy) at Wenki (friend ni Kasuy) sa bahay nina Abu sa Olongapo! :) Nyahahaha! Matagal ko nang gustong magbakasyon sa malayong lugar mula noong naging college ako. Payag naman kasi sina Mah at Dah e. Dati nga plano namin (past boardmates) Boracay e! Hindi lang natuloy. Baka this coming summer matuloy na yun! Care of Kasuy. :)

Kelangan ko nang mag-ipon.

Bakit ba ambilis mawala ng pera. Haay. Dapat na talaga akong mag-ipon. Dapat tigilan ko na ang pagbigay ng mga snack (bilang suhol) sa mga tutee ko e. Mas mahal pa yata ang nagagastos ko sa kanila. Ahahaha! Dapat na akong mag-ipon para magka-laptop na ako. Nyahahaha!

Next week, di ko na gagalawin yung pera ko. Oh well.

-Lo-



Thursday, October 26, 2006

Pic. pic. pic.

Eto pa ang ibang pics. :)
Meet Mallory. Ahahaha... Ang daga ng pusa. :)
*may hinala kaming asawa niya si Mickey-yung dagang namatay sa ilalim ng stairs namin.*


Ate Gilba ko! :)

Mommy ko yan! Pramis!



The very pretty kids from Subic. :) mga Aeta sila na nakatira sa bundok ng Subic. Ganda nila no? :) very very cute...

-Lo-



Wednesday, October 25, 2006

Pics muna... :)

Me and abbee (abu, aboi). :) Pic moment habang ginagawa ang papers.


Me and Ate KC. :) Nababaliw na kami sa mga deadlines!

Now you know where I get the weirdness. It's in the genes.

My mom and her new baby (Tomas). Very adik lang siya dito.

Ahahaha... :) Pics muna ano? Kyut no? Dagdag pa ako tom. Antok na ako. Yawn. Ehehehehe... Hindi ko pa naipopost pics ni 89. Ehehehe... :)

**Thanks for picking me up. I miss you.

-Lo-



Thursday, October 19, 2006

My sem has finally ended

Dear God,
Maraming salamat at naka-survive ako (kahit papaano) ngayong sem. Sa wakas, tapos na ang pagpupuyat para matapos ang napakaraming required papers ng aking mga subjects. Salamat din po sa pag-gabay at pagtulong sa akin upang magawa ko ang mga ito.

Salamat po sa panibagong pagkakataon para makapagsimula ng maayos sa susunod na semestre. Sana magawa ko ang lahat ng aking makakaya para maging mahusay na estudyante. Patnubayin niyo rin po ang aking mga kaklase, kaibigan at kapatid.

Salamat po! :)

-Lo-

Para kay Lawrence:
*hugs*
Salamat. Buti na lang nakita kita kanina. Kahit na sandali lang.

Para kay Nelson, Aizza at Shobe:
Sa totoo lang, natutulungan niyo akong maging masipag. Nyahaha! Sana mag-isaw tayo ulit. Kaso hindi ko gusto yung sa Ilang Ilang. Ahahaha. Salamat sa pagprovide ng mga nakakatawang jokes at komento.


Para kay Monica at Kokak:
Salamat sa pagsama at pagpursigi sa akin na mag-aral sa Fil10.1

Para sa SIKAP:
Namimiss ko na kayo. Sana maging buo muli tayo.

Para sa PIKSYON:
Salamat sa pagtya-tiyaga. Sana nga ma-induct na ako.
Para sa PRIMO:

Pasensya dahil hindi ako makapagparamdam. Sana sa susunod na semestre maging active na ako. :)

Para kay Abbee, KC, Erika, Joyce, Ate Gilba at Ate Rhea:
Salamat sa pagpapagising sa akin habang gumagawa ng mga papers. Salamat din sa mga CD, libro, laptop use at kung anu-ano pang mga pinaghihiraman natin. Mamimiss ko kayong aalis at sana'y maging matatag pa ang ating pagkakaibigan. Nyaks! Chummy.

Para kay Mah, Dah, Gray, Cinnamon, Ying, Yiang, Tomas, Isko (sumalangit nawa), Swit, Hart, Cookie at Chihuahua na wala pang pangalan:
Maraming salamat sa suporta at pagtitiwala. Sana naging proud kayo sakin. (Yes naman!) Sana lang hindi na ngat-ngatin yung mga tsinelas ko ng mga aso at pusa ano? Sayang kasi. Wala na akong masuot.

Para SAYO:
Salamat sa pagbabasa. Ibig sabihin lang nito, may saysay pa ang mga opinyon at mga sinasabi ko. :)

-Lo-



Saturday, October 07, 2006

Bakasyon na ba?

Parang loko-loko lang ako... :) Natulog ako ng 5am kaninang umaga dahil inenjoy ko ang buhay internet. Hindi ko man lang naisip na mag-research. Tsk tsk.

Meron pa akong dalawang papel na kinakailangang gawin. Isang super haba at isang medyo maikli. Pareho ko pang hindi sinisimulan kahit na next week na sila. Badtrip. Haaay...

Andami kong gustong isulat kaya lang hindi ko masimulan. Hindi ko pa naisusulat yung tungkol sa Maya civilizations. Kinakailangan kong maisulat yun. Astig kasi. Ngek!

Bakit kaya wala pang sipag na dumarating sakin? Ate Aizza, pwedeng makihingi ng konting sipag?

Ay i-congrats lang natin ang aking Ate Aizza! :) Uno lang niya yung PSYCH 101 niya. Grabe yun. Sobra-sobrang galing!! :) Ehehehehe... Inggit ako. Malayo sa uno ang Journ ko. Lolz. Monica paano na tayo?

Speaking of Monica and Archaeo2... Nakakainis ka KURT! Hindi ka marunong mag-groupwork. Hindi ka marunong gumawa ng effort para sa team work. Wala kang kwenta. Kahit na matalino ka, wala ka namang effort walang mangyayari sayo. Lahat ng tao kailangan ang iba. I so pity you.

"You can't be a leader, if you don't learn to follow..." -Drumline

-Lo-



Bad Luck Friday

Rawr.

Mahirap pa lang magtrabaho no? Lalo na kapag hindi mo kabayan no? Hirap talagang magkaintindihan. Hagard.

Sana maging ok pa rin. Pero kung hindi na talaga, ok na lang din. Sa tingin ko rin hindi pa ako handa sa trabaho. Baka after November tumigil na ako kena Mrs. Cho.

Hindi na kaya ng katawan ko. Mahirap din palang magtrabaho at mag-aral at the same time.

Awww... Just Married ang palabas. Kilig. :)

-Lo-



Wednesday, October 04, 2006

Bad news Good news

Bad news:

Nagmadali akong gawin at dumating ng hindi (masyadong) late para ipasa ang papel. Biglang may natanggap akong text mula kay Ate Aizza noong nasa may MRT Ortigas na ako.

"Extended yung paper, hanggang Friday. Wala si Mam."

Tsk tsk. Matapos kong paghirapan (yes naman... half-lie lang naman yan) at pagpuyatan. Nakow!

Matapos nun, nagfilm-showing lang kami sa Archaeo2 (will talk about this in another entry. Super cool/freaky). Diredretso ako sa tutor ko. Hanggang sa (finally) sinundo na ako ng prince charming ko (pagbigyan niyo na, minsan lang naman) at nakatulog sa taxi. :)

Matapos nun, nagdrama pa ako bago talaga nakatulog. After matulog ng sandali, bumangon para kumain. After kumain, hindi na ako makatulog.

Kaya.... NANGULIT NA LANG AKO. Diba Aboi at ATE KC? Nyahahaha! :)

GOOD NEWS:

Nakatulog na ako! Buhay na naman ako...

Kaso nakalimutan kong may make-up class pala kami kanina. E natulog lang talaga ako bago mag-work. Hagard. Nyahahha! Ok lang... Geog1 naman kasi yun e. :)

Diba? Diba?


I miss you.

-Lo-



Tuesday, October 03, 2006

Will shut down in...

Hopefully now.

6pages pa lang ako sa papel ko. Dapat by 8:30am naliligo at nag-aayos na ako ng gamit para by 9:30am papunta na ako ng school. Para hindi ako malate sa klase.

I hate this paper. Nyahahaha!

Tama ang sabi ni Aizza... "Nakakawalang ganang gawin" kasi para mas pinahalagahan ang ang naunang paper.

Nakakainis tuloy isipin na mas mahalaga yun kasi yun ang kinakailangan na materyales ng aming propesor para makagawa ng libro. Hagard. Kakainis.

Dapat by tonight makatulog na ako ng mahimbing. Para bukas, makasimula na ako sa isa pang papel. Huhuhuhu... Buti na lang talaga may kuryente na.

-Lo-



Four down, Six to go

Kamusta naman ang pag-unlad ng paper ko ano? Nakaka-apat na pages na ako! Akalain mo yun. 4am na, kulang pa rin ako ng anim na page. Hindi pa ako nakakatulog. Bangag na bangag na ako. Apat na oras lang tulog ko noong Sunday night. Hagard. Bakit ganito ang sem na ito?

Mam Gaying! Why oh why? Bakit kailangang dalawa ang papel na dapat isumite? Hindi ba sapat ang isa? Huhuhuhu...

Buti na lang may kuryente na. Kung wala pa rin, iyak na lang ako. Huhuhuhu... I can't wait for our semestral break. Matutulog lang yata ako buong break.

Haaay.

Wala na akong lakas.

-Lo-

writer



.lorey.
.lo.lowee.rey. .chinagirl.lorei.
.18.
.UP Diliman.
.first child.
.believer.
.techy addict.
.writer.
.soul searcher.
.workaholic-wanna-be.
.pilates-crazed.
.frustrated guitarist.
.taken.
.sun.smart.globe.
.patis.chocolates.
.sinigang.
.guitars.music.

.ym id:.
.loreydeguzman.
.email:
.loreydeguzman@yahoo.com,
.lodeguzman@gmail.com,
.lldeguzman@upd.edu.ph

.my friendster.
.my multiply.
.my livejournal.

talk to me



literature

.aizza.
.lawrence.
.gilba.
.nika.
.claire.
.claire-lj.
.claire-multiply.
.chino.
.monica.
.super_adz.
.mixka.
.ate connie.
.jeni.
.jeni-blogger.
.eden.
.mong.



past works

  • December 2005
  • January 2006
  • February 2006
  • March 2006
  • April 2006
  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  • September 2006
  • October 2006
  • November 2006
  • December 2006
  • January 2007
  • February 2007
  • March 2007
  • April 2007
  • May 2007
  • June 2007
  • July 2007
  • August 2007
  • September 2007
  • October 2007
  • November 2007
  • December 2007
  • January 2008
  • February 2008
  • March 2008
  • April 2008
  • May 2008
  • June 2008
  • July 2008
  • August 2008
  • September 2008
  • October 2008
  • November 2008
  • December 2008
  • January 2009
  • February 2009
  • March 2009
  • April 2009
  • October 2009


  • credits

    1 2 3 4 5

    readers

    AmazingCounters.com
    Orbitz Travel