Hindi ko talaga kayang makagawa ng blogskin. Sana talaga ay magturo sakin... Yikeee... konting parinig dyan.
Congrats kay Aizza dahil ang kyut nung ginawa niyang blogskin. Galing talaga o!
Nakauwi na ako ulit sa bahay! :)
Pasensya na Lawrence. Minsan talaga frustrated lang ako. Lagi na lang kita napagdidiskitahan no? Waaah!
May pasok na! Astig... Grabe yung Journ100 namin. May readings na agad. At mukha lang nakakatakot yung prof. Naku! At take note! Ingles lang yata ang pwedeng gamiting lengguwahe sa klaseng yun. Naku... Medyo nakalimutan ko na ang pagsasalita at pagsusulat ko sa Ingles. Good luck sa akin.
Mukhang magda-diet lang talaga ako. Tuwing Mondays at Thursdays kasi 10:00am - 4:00pm lang ang klase ko. Walang breaks. Grabe yun. Ang lunch ko siguro sabay na rin ng dinner kasi nakakatamad na kumain pa. Balak ko one-half rice na lang tapos kakain ako ng around 5pm. Para ang dating before 6 ang diet ko. Kinakailangan ko lang matulog ng maaga para hindi na rin ako gutomin. :)
Pangit lang yung room namin sa Archaeo 2. Kanina nga nung sinabi ko sa kaklase kong si Monica at Cacs. Ang sabi lang nila i-drop ko na lang daw. Lolz. Asa tayo. Hanep sa joke ha?