Nyahahaha. Nanood kami nina Kat, John at JM ng An American Haunting sa Shang kanina. Grabe yun. Medyo late lang sila nag-inform na kailangan ko nang maligo dahil aalis na kami.
Maraming salamat sa inyo guys. :) Had a great time. :)
So ayun, nanood kami diba? Natutuwa lang ako sa buong story. Nakakatuwa kasi tungkol lang talaga siya sa pag-rape ng tatay ng babae. Parang personality disorder pero poltergeist ang ginawa.
Natutuwa ako kasi yun lang talaga yung naging topic ko sa tesis. Yung mga trauma na nakukuha ng mga bata. Kagaya na lang ng pag-rape sa kanila. Maging ito man ay kasambahay, kadugo o estranghero.
Nakakatakot nga naman talaga kung yung sarili mong tatay ang nang-rape sayo. Grabe lang talaga yun. Parang yun lang yung nangyari sa karakter kong si Nena. Pero in fairness, hindi naman niya totoong tatay yung nang-rape sa kanya--stepdad. Pero syempre sya nagpalaki sayo diba? Tsk tsk.