Hindi pa rin ako nakakagawa ng mga big works. Pero kahit pa paano nakagawa ako ng blogskin. Gamit ko ang mga quotes mula sa librong Atlas Shrugged ni Ayn Rand. Dahil obsessed ako sa librong yun sa ngayon.
Kinakailangan ko na talagang mag-ipon ng pera. Gustong gusto ko na talagang magkaroon ng sarili kong laptop. Biruin mo ba naman, binabaan na yung singil sa akin ni Tita. Imbes na P200 a month, P50 a month na lang yung laptop. Naliwanagan na siguro siya na hindi naman talaga ganun kalakas sa kuryente ang laptop. Besides, mayroon kasi akong boardmate na may PC. Yun ang chinarge niya ng P200 a month. Grabe yun oh.
Kaya talagang gustong gusto ko na talaga ng laptop. Isa pa, gusto ko na talagang matuto ng Adobe. At syempre kung may laptop na ako mapra-practice ko yung knowledge ko dun hindi ba? :)
Tsaka malamang kailanganin ko ang computer ngayong sem. Kas 114 at Journ100 ko pa lang nagsusumigaw na sa paper. Impossibleng hindi ko kailanganin ang computer.
Kaya nga mas maganda kung magkaroon na ako ng laptop. Medyo pinaparinggan ko lang ang isang tao dyan *ikaw yun Lawrence!* Nyahahaha!
Oh well. Kakain muna ako ng tinapay. Masarap lang yun kasama ng Nutella. Pramis! :)