Pero ok lang kasi hindi ako makapagpost sa blog lately. Nasira na naman kasi yung computer. Haaay! Benta ko na lang kaya ito no? Good luck na lang.
Kalalabas lang ng kapatid ko sa isang ospital. Nagkaroon kasi siya ng allergy. Tapos sumobra... Grabe yun. 24 hours kaming nasa ospital. Medyo mahal ang bill namin. Nakakahina nga e. Biruin mo, nagbayad kami ng P300+ para sa mga karayom na hindi naman nagamit. Nagkakamali kasi yung mga nurse sa paglagay ng dextrose kay Gray. Badtrip sila. Nasaktan na nga kapatid ko, kami pa magbabayad. Isipin mo yun, P110 ang isang karayom. Nakatatlong try pa yun sa kapatid ko bago tuluyang nagamit. Badtrip. Sakit. Sakit sa bulsa.
Mag-doktor na lang kaya ako? Para hindi mahirapan ang mga kapamilya ko sa bayarin ano?