Mahirap talaga kung aasa kang babalik sayo ang lalakeng minahal at minamahal mo.
Ilang beses na ba akong napaasa ng mga lalake? Simula pa yata nang magkamalay ako na merong mga babaeng magaganda at meron rin hindi, umasa na ako.
Akala ko kasi kapag marami akong manliligaw, kabilang ako sa mga magaganda.
Kaya nung napagtanto ko na ganito ang lipunan... naisipan kong ayokong maging parte sa mga sumusunod nito.
Mag-aaway pa kami ng nanay ko para lang magsuklay ako. O di kaya'y mas pipiliin ng kapatid ko na tumabi sa iba kaysa sakin dahil sa baduy ang sinusuot ko. O ayokong magpalinis ng kuko sa paa hangga't hindi sumasakit yung ingrown. (Yak!)
Maraming bagay ang hindi ko kinonsiderang ayusin dahil para sakin... ito ako. Ayokong mag-make up (kahit na pinilit kong gawin iyon dati), ayokong pumuti, ayokong tumangkad, ayokong magkabuhok na pwedeng magmodel ng shampoo, ayokong magpa-derma at kung anu-ano pa.
Naniniwala akong magkakagusto sa akin ang isang lalake hindi dahil sa maganda ako kundi dahil sa kung ano talaga ako.
Nakakatawang isipin na ngayon, nagpapapayat ako.
Gusto ko lang linawin na hindi ako nagpapapayat para sa karelasyon ko. Sa katunayan, ayaw niya akong pumayat. Malakas ang kutob kong gusto nya ng mataba. Ginagawa ko ito dahil hindi na healthy ang aking pagkataba. Tsaka... batas ngayon ito sa aming bahay.
Natatakot akong pumasok sa susunod na semestre dahil hindi lang sa CAL ang aking mga klase. Meron na rin akong mga klase sa MassComm. nakakatakot dahil bilang outsider, ayokong ma-OP. Pero sa totoo lang, ayoko lang na babaan ako ng tingin.
Sana matapos na itong katakutan kong ito. Ayoko naman na ito ang maging sanhi para baguhin ko ang aking prinsipyo.