Hindi ako makakapag-GYM ngayon kasi wala akong kasama. Isa pa, pagod pa ako sa sobrang dami kong ginawa for the past few days. Isama mo na rin sa listahan yung pagiging tamad ko.
Naghahanap ako ng mga pakulo sa blog. Kaso wala akong mahanap e. Yawn. Gusto ko talagang matuto mag-Adobe Photoshop at mag-Front page o Dreamweaver. Para ako na yung gagawa ng sarili kong blogskin o di kaya yung site ng kompanya namin.
Napansin ko rin na hindi na naman ako nagsusulat ng mga bagong kwento. Haaay! Balik na naman sa daitng buhay. Kapag walang pressure, walang istorya.
Nag-blog hop ako sa mga blog ng mga kaibigan ko. Namimiss ko na sila. Grabe, miss ko na ang UP. Akalain mo yun? Miss ko na ulit pumasok sa school!! Nyahahah! Wala kasing magawa dito sa bahay. Actually, marami. Nakakatamad lang talaga yung aura ng bahay.
Sa totoo lang hindi rin ako nakakagawa ng mga bagay-bagay pag nandito ako sa bahay. Masyado kasing maraming pampa-aliw. Kagaya ng PC, cable at kung anu-ano pa. Hindi ko pa tuloy tapos yung gift ko kay Lawrence. Kung iisipin ko nga ang nagiging matagumpay ko lang na goal ngayong summer ay ang pagbabasa ng mga libro.