Tapos na ang game entry ng SIKAP for the web contest ng FOPC. Medyo nahirapan lang si Lawrence dun ah! Lolz. I can't take credit kasi talagang si Lawrence ang gumawa ng lahat. *applause*
Yung mga barubal na tanong lang yung ginawa ko.
Gusto ko rin pa lang i-acknowledge yung gumawa ng aming napakagandang drawing ng jeepney sa game... Drums please... *ahem*
Maraming Salamat Jethro!
After kong masend sa yahoogroups at kay ate Ayda ang aming entry, naghanap na muli ako ng bagong blogskin. :) Finally nakahanap ako ng gusto ko! :) hindi ko alam kung kanino ito mula dahil wala akong nakitang credits na nakalagay sa code... pero kung sino ka man, maraming salamat! :) Nagpalit lang ako ng konting mga chuchu.
Anyways, sinisita na talaga ako ng aking Mommy. Palagi na raw akong nagpupuyat dahil sa computer. Oh well. Siguro hanggang ngayon na lang yung puyat na ito. Simula bukas hindi na ako ganito ka-late magpopost ng entry sa blog.
Yawn. Antok na talaga ako.
Mabuti naman yun no. Makakatulog naman pala ako kahit na 2 kape yung ininom ko kanina. Tsk tsk. Good luck sa workout ko bukas. Tatamarin na naman ako. :(