Di ko na nga alam kung ilang oras na kami nagbabad. Kasi andaming gagawin sa FOPC e. Nyahahaha! Koneksyon? Meron!
Ang aming org (UP SIKAP) ay sasali sa FOPC! Para syempre maging active lang kami no. :) Bilang Publicity head, nagpunta lang si Aizza sa GA. :) Pagkatapos, dahil hindi ako nakarating kanina, tinwagan na lang niya ako para i-inform ako ng mga bagay-bagay.
Sobrang tagal lang talaga ng aming pinag-usapan. Kaya pala sila inaabot ng gabi sa UP e. Sobrang dami lang kailangan gawin. Tapos kailangan na mangyari ang mga dapat mangyari next week ano?
College Graduation na bukas! :)
Congrats sa mga gra-graduate. Kasama na kami. :)
Nabuhay muli ang aking pag-ibig sa aking Palm. Paano nakita ko kasi yung mga ebooks ko e. Kaya ginanahan ulit akong magdl sa palm para mabasa ko naman sya. :) Sobrang saya ko lang ano?
Hindi pa rin ako nakabili ng cd na pang-burn. Grrr...
Aizza, karirin lang natin ang renovation ng kubo ha? Gawin na nating room na may CR at sala. O diba? Ipa-aircon natin kay Nelson, tutal sobrang yaman lang naman niya diba? Nyahahaha! :)