Sa wakas, miyembro na rin ako ng napagaling at napagandang organisasyon... Ang UP Sandigan para sa Ikauunlad ng Kamalayang maka-Araling Pilipino. In short, UP SIKAP. :)
Grabe lang yung induction! Medyo matagal din kaming naka-blindfold. Kaya lang, mas matagal naman daw na naka-blindfold yung batch last sem. Simula daw sa UP mismo sila naka-blindfold. Kami mula start ng program lang. :)
And so, naging maganda naman ang induction. Sa Boso-Boso Highlands lang naman ito naganap. Super ganda... sa picture. Nyahahaha. Medyo siksikan kami sa room pero ok lang dahil hindi naman kami nagsitulog. :) Pagdating namin dun, nagsi-ayusan na ang lahat para sa magaganap na program. At syempre, kaming inductees (Ako, Nelson, Shobe, Jett at Ayda) ang main na pahihirapan sa araw na yun.
Nung una, kinabahan lang talaga ako. Ang mga advice kasi sakin ni Aizza (buddy) ay tatagan ko raw ang aking loob. Kaya kinabahan talaga ako. Si Jenjen din todo sindak sakin nung nakatabi ko sya sa jeep papunta dun sa place. Grabe lang yun o.
Masarap lang talaga ang buhay kahapon. Sobrang daming food. May Baliwag, chicken, adobo, isda, sobrang daming kanin at mga prutas. Ang sarap lang talaga magpataba nung mga panahong iyon. At sobrang na-touch ako kasi bumili talaga sila ng patis. Well, lam ko naman na hindi naman talaga para sa akin yun, pero still... na-touch lang talaga ako. :)
After kaming pahirapan (nyahahaha!), kumain muna kami bago tumungo sa eleksyon. Congrats lang talaga sa mga nanalo! You guys deserve it! :)
President: Shine Martinez Vice-President: Jenjen Domingo Publicity: Aizza Te Tan (buddy ko yan!!) Secretary: Ayda Ocampo MemCom: Glaiza Enriquez Publication and Education: Josh Diokno Finance: Nelson Fabre Muse: Jett Quitalig Escort: Nelson Fabre
Grabe lang si Nelson o... Dalawang posisyon. :)
After lang namin mag-open forum, nag-dive lang kami sa pagkanta sa videoke diba? Super saya lang talaga. Ang kukulit nila ate Connie. Talagang labanan sila ni Nelson. Grabe yun o mga nakaka-99 lang sa videoke. :)
After nun, nung umalis na yung mga kurimaw sa swimming pool nagswimming na kami! :) Naghabol-habulan kami sa swimming pool. At pilit nilang hanapin yung piso na hinulog nila. Pero hindi naman makita kasi ang dumi na nung pool. Ahahaha. :) Tapos si Shobe talagang nagshowcase lang ng natutunan namin mula kay Aizza. Yung salbabidang pantalon. Kaya lang walang nakinig sa kanya. Sumpa sa kanya yun mula noong umpisa ng induction e... :) Nyahahaha!
After namin magswimming, bumalik na kami sa room. Tulog pa yung iba. Kaya nagbanlaw muna kami. Umiglip ako sandali. Buti nga nakaiglip ako e. Nang umalis na kami, 30 mins. palang nasa UP na kami. Nakakatakot lang talaga yung drayber ng jeep. Parang drag racing lang talaga yun. Nyahahaha.
Pagdating namin sa FC, naghintay pa kami kasi hindi pa binubuksan yung dept. Kaya natulog muna kami sa lapag ng Gallery 1 o 2. Di ko memorize kung san dun, basta dun. Ansarap ngang matulog e. Bitin nga lang kasi ginising na kami ni Nelson para tignan kung bukas na yung dept. Kaya lang hindi naman namin nakuha yung kailangan namin dun. As usual.
Tapos nun, nagpaalam na ako sa kanila dahil hindi ko na talaga kaya. Nagpunta na lang ako sa boarding house ko para makitulog. :) Ayos naman. Nabawi ko naman. Nakalimutan ko pa ngang kumain ng tanghalian nun e. Pero keri naman.
Haaay! Miss ko na tuloy ang SIKAP. Ang kulit lang talaga. :)