Si Aizza, Nelson at Ako! :) Kami ang Happy Three Friends. :) Anyways, hindi ko pa sila napapasalamatan ng maayos para sa sobrang daming ginawa nila para sa akin. Kung hindi dahil sa kanila, weird pa rin ako. Ngayon, mas weird na ako! Nyahahaha!
Pakilala ko sila sayo okies?
Aizza -Ang Filipinong kaibigan ko na may lahing Chinese at Spanish. Marami nang nagtataka sa kanyang apelido dahil pinaghalo itong Te at Tan. Dalawang Chinese names yun ah! Si Aizza ang madalas kong kadaldalan at katext (lalo na noong nag-SUN ako). Madalas kaming nagtatawanan sa mga jokes niya. Nyahahaha! Napakabait, napakasipag, napakatalino, napakaganda at napakarespetado. Complete package!! And take note, available pa sya... :) Yikeee... Napakaswerte ko na kaibigan ko sya. :)
Nelson/Chino -Ang mukhang Chinese kong friend. Kapag pinagtabi mo kami, nakakahiya lang na mas maputi at mas makinis siya sakin. Grabe! :) Sobra ding talino nito, pareho sila ni Aizza na mga University at College Scholars sa amin. At isipin mo yun, nagustuhan siya ng aming terror na prof. Grabe yun... hard to please lang yung prof na yun tapos impressed talaga sa kanya yung prof namin. Mayaman lang din naman si Nelson. May bago na nga siyang pangalan e. Richie RiCHINO. :) Napakabait at maasahan itong si Chino. Magalang at respetado... :) Buti na lang kaibigan ko sya... :)
Yan ang aking mga kaibigan. :) Kami ang bumubuo sa Happy Three Friends. :) Kung wala sila, hindi ko maayos ang aking akads. Lalo na noong nagte-tesis kami. Sila ang aking naging motivation para gawin ang mga dapat gawin. Sila rin ang nagpursige sa akin na tapusin ang Pilates class namin. Dahil sa araw-araw na pagpasok ko sa Pilates, sobrang pinapatawa nila ako. Sila rin ang mga kasama ko noong mga panahon na kinakailangan kong umiyak sa pool. At sila ang kasama ko nang ma-induct ako sa aming organisayong UP SIKAP! :)
Salamat Aizza. Salamat Nelson.
Salamat sa pagtitiyaga at pakikipagkaibigan sa akin.