Nyahahaha! Nahihiya kasi ako. Na-late kasi ako nung nag-meet kami ng aking mga kaibigan para sa Leadership Formation ng aming youth group.
Edi ayun. Maaga akong nagising at maaga akong nakarating sa aming meeting place. Sa 711 lang sa Casimiro. Nakita ko dun si Mikko! :) Ang aga niya. Swear.
Anyways, habang naghihintay kami ng aming sundo nagkwentuhan kami. Tinanong ko sa kanya yung bumabagabag na sitwasyon ko. Unfortunately, hindi ko masasabi dito kung ano yung sitwasyon ko kasi natatakot akong mali ang sasabihin ko. Mas mabuti pang wag ko na lang sabihin. Para wala na lang masaktan.
So after nun, nung dumating na yung aming sundo naghintay pa kami ng konti. Konti lang naman. May kinuha si Tita Juliet. Hindi ko alam kung ano. Bale ayun, si Julia (yung kapatid ni Janelle) nagkwento na tapos na yung niya. Natutuwa nga ako e. Tapos ayun. Nagjoke siya. Eto yung joke niya.
Julia: Knock knock
All: Who's there?
Julia: Stick.
All: Stick who?
Julia: Are you a stick? 'Cause you look like a toilet. But before you were a tree.
All: *laughs*
Nagets nyo ba? Kung nagets niyo, paki-email naman sakin. Please? Gusto ko lang malaman kung ano yung koneksyon. Nyahahaha!
O sige na. Inaantok na naman ako. Kahit na tulog lang ako buong araw, inaantok pa rin ako ngayon. Yawn! Ingatz. :)