Hindi ko pala na-share na natapos ko na ang isang book ko! Yey! :) Super ganda. Fave author ko talaga si Sidney Sheldon. :) Grabe yun oh! Galing lang nya...
Ang title ng binasa ko e Tell Me Your Dreams. :) Super ganda. Sana nga nabasa ko ito bago ako nag-tesis. Kasi tungkol siya sa MPD (Multiple Personality Disorder) na ang sanhi ay ang traumatic experience. :) Parang tesis ko lang yun...
Bumalik na ako sa choir ng aming Youth Group! :) Sobrang saya... Magaganda yung mga kantang pinipili nila. One time, ilalagay ko dito yung lyrics ng fave songs ko. Kahapon yung praktis namin. Tapos ngayon kami nagprayer meeting... Nag-talk si Kuya Alvin!! Super ganda. Love and Courtship kasi ang topic.
Grabe yun o... si Janelle at si Ate Gia, naka-highlights lang o!! Dapat ata magpahighlights na rin kami ni Abbie.
Nyahahaa!
Ang sad kasi lilipat na sila Kitkat sa States. Mawawalan na naman ako ng kaibigan.
Come to think of it, ang daming aalis ng Pilipinas ngayon.
Si John--friend ko. Sayang kasi hindi ko na siya makakasama sa school. Mamimiss kita Boss! :) Si Gelo at Grace--mga pinsan ko. Kanina ko lang nalaman na aalis na pala sila after ng Holy Week. Grabe yun o... Kami na lang ni Ia ang magkikita sa Christmas. Whaw. That Sucks big time. Sila Janelle--hindi ko pa sure kung kailan sila aalis pero this year sila aalis. Grabe yun oh... Malalagas ang isa naming amiga sa Cell group. Kulang na yung mga mahihilig sa pink (influenced by Ate Gia).
Haay! Nagtataka nga ako e...
Bakit sila aalis? Hindi ko naman sila pinapayagan ah!!