So ayun, ginising ako ni Mah at sinasabi sa akin na pupunta daw kami somewhere. Edi nagulat ako! Si Lawrence kasi pupunta sa bahay para sunduin ako at para ihatid ako sa UP. Hindi tuloy ako nakapunta sa UP. Anyways, dumiretso na lang si Lawrence sa SM Bicutan tapos nag-lunch kami sa MAX's.
Tsalap ng sinigang!! :)
At siyempre lumamon na naman ako. Haaay! Grabe talaga yun oh. Hirap magpapayat.
Anyways, dapat hindi na lang ako magdinner. Kakanin na lang ako sa umaga at tanghali (with exercise of course) tapos sa gabi hindi na. Maaga na lang ako matutulog para hindi ako mag-crave. Haaay!
Tapos nun, dumiretso kami nila Tita Tess at Mah sa bahay ni Nanay. Umalis na si Law dahil may klase pa siya. Anyways, nung nandun na kami nagkwentuhan lang kami. Tapos nakipagkwentuhan ako kay Nanay. Bale, mag-isa na lang siya sa bahay. Hindi na kasi doon nakatira yung aking pinsan. (Congrats nga pala Kuya Bing! :) May trabaho ka na!)
So naisip ko, magbakasyon na lang kaya ako sa bahay ng lola ko? O diba? Sabi ko nga sa kanya, tatapusin ko lang yung mga dapat ilakad sa UP tapos punta na ako dun e. Ang sabi niya wala daw siyang cable, computer at kung anu-ano pa. Sabi ko ok lang yun. Hindi ko naman kailangan yun e.
Kaya sa holy week, sa bahay ako ng lola ko. :)
PLUS!! madadala ko yung laptop so makakapagblog pa rin ako. Tapos makakanood rin kami nila Nanay ng mga VCD. Dahil pwedeng magplay ng VCD sa laptop. Tsaka tuturuan ako ni Nanay manahi. Kaya sana makagawa ako ng sarili kong damit. Hopefully pants at skirts. :) Yikeee....
Nagdi-diet din ang lola ko kaya makakapag-diet din ako! Well... siya ay dahil ayaw niyang tumaas yung sugar niya, ako ayoko na tumaba. Ok lang din diba?
Sana matapos na yung paglalakad ko sa UP. Pupunta ako ng UP sa Wednesday para makapag-apply na for shifting. :) Yey! Kinompyut ko yung grade ko as of kanina, 1.81 ang GWA. Sana lang hindi na bumaba para may choice akong makapag-Phil Stud. Yun pa naman talaga ang gusto ko. Kailangan ko lang malaman kung ano yung gusto kong kunin na disiplina.