Naayos ko na rin yung PC namin! In time for the Holy Week. Pero hindi ko naman magagamit ito dahil bukas pupunta na kami ng kapatid ko sa bahay ng lola ko. Yung laptop ang dala ko para lang makapag-blog at chat. Wala nga lang ym yun. Kaya kung kailangan niyo ako... sa Gmail na lang tayo mag-usap. lodeguzman po yung aking id.
Matagal din bago ako nakapag-decide kung anong babasahin kong libro... Mas naisip kong basahin na lang ang Veronika Decides To Die ni Paulo Coelho. :) Birthday gift sa akin ng aking pinakamamahal na Lawrence. Sobrang alam niya na fave author ko si Paulo Coelho. Hopefully, makumpleto ko yung mga libro niya. Kaya lang sobrang mahal e.
Buong araw akong mag-isa sa bahay namin. Haaay. Hindi naman nakakalungkot. Ok na rin. Solo ko yung bahay. Pero simula pa lang ng araw ko, inaayos ko na itong PC. Ang hirap talaga. Nasisira na kasi yung mga cd namin e. Haaay. Buti na lang naayos ko na. :)
Natakot ako dahil hindi pa umuuwi yung kapatid ko. Kaya hinarass ko yung kaibigan niya para lang malaman kung ano yung mga numbers ng mga kaibigan niya. Kawawa nga si Maico e. Mukhang galit sakin yun. Ahahaha... E sa natakot ako e. Kapatid ko pa rin naman siya diba? Hindi kasi niya pinaalam sakin na nag-sleep over siya.
Andami ko pang hindi nagagawa sa mga goals ko... Hopefully, magawa ko silang lahat. Haaay.