Pumunta kami sa Cell meeting para lang maglaro ng Taboo at kumain ng Yellow Cab pizza... And take note, libre yun ha! Sobrang saya at sobrang sarap lang ng buhay namin kanina.
Naglaro kami ng Taboo. Yun yung game na parang charades. Ang dapat na gagawin mo ay ipapahula mo sa mga ka-team mo yung isang word pero sa pamamagitan ng pag-describe doon sa word na yun. Ang catch nga lang, may 5 salitang nakasulat sa card na bawal gamitin pang-describe. Kunwari GEL (hair, cream, style, wax, jelly) yan yung 5 words na bawal sabihin. So para ma-describe yun iisip ka ng ibang salita. Kunwari... parlor! o di kaya ginagamit ng karaniwang lalake para pang-spike. Gets?
Matatalo na sana yung team namin kaya lang nakabawi kami sa hard round. Hirap na hirap akong ipahula sa teammates ko yung mga hard words.. Lalo na yung Ginko Biloba. Tsk tsk. Syllable by syllable kong pinahula yan... Tsaka yung cushy pala!! naku...
Bukas birthday na ng aking friend na si Janelle!! :) Happy Birthday matanda ka na! :) Nyahahaha... mean mo kasi kanina. Kung anu-ano sinasabi mo sakin! Nyahahaha... Joke lang! Happy Birthday!! :)