<meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/19541902?origin\x3dhttp://loreyblogs.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>


Sunday, April 30, 2006

Ang saya ng Cell meeting kanina!

Pumunta kami sa Cell meeting para lang maglaro ng Taboo at kumain ng Yellow Cab pizza... And take note, libre yun ha! Sobrang saya at sobrang sarap lang ng buhay namin kanina.

Naglaro kami ng Taboo. Yun yung game na parang charades. Ang dapat na gagawin mo ay ipapahula mo sa mga ka-team mo yung isang word pero sa pamamagitan ng pag-describe doon sa word na yun. Ang catch nga lang, may 5 salitang nakasulat sa card na bawal gamitin pang-describe. Kunwari GEL (hair, cream, style, wax, jelly) yan yung 5 words na bawal sabihin. So para ma-describe yun iisip ka ng ibang salita. Kunwari... parlor! o di kaya ginagamit ng karaniwang lalake para pang-spike. Gets?

Matatalo na sana yung team namin kaya lang nakabawi kami sa hard round. Hirap na hirap akong ipahula sa teammates ko yung mga hard words.. Lalo na yung Ginko Biloba. Tsk tsk. Syllable by syllable kong pinahula yan... Tsaka yung cushy pala!! naku...

Bukas birthday na ng aking friend na si Janelle!! :) Happy Birthday matanda ka na! :) Nyahahaha... mean mo kasi kanina. Kung anu-ano sinasabi mo sakin! Nyahahaha... Joke lang! Happy Birthday!! :)

-Lo-



Saturday, April 29, 2006

Grabe. Hindi ako nakapag-blog buong araw.

Kamusta naman ang katamaran ko?

Happy BIRTHDAY sa aking pinakamamamahal na kapatid..!

HAPPY BIRTHDAY GRAY!


Kumain kami sa Yakiniku resto sa ATC. Bago pa yun, bumili ako ng mga regalo ng friends ko (kasama yung sa sis ko). Magkasing-bday kasi yung sis ko at yung friend kong si John. Unfortunately, aalis na si John. Punta na siyang States.

Hmph!

Hindi ko naman siya pinayagan e!

So kumain kami sa Yakiniku!! Sobrang sarap lagn talaga. Kaya lang nahirapan akong kumain ng corn gamit ang chopsticks. Grabe yun o! Tsaka talaga pagod lang talaga ako. Hindi ko talaga alam kung bakit ganun. Lagi na lang akong pagod. Antok pa ako!

Sana naging masaya ang sis ko ngayong bday niya. May feeling kasi akong hindi siya masaya. Pero hindi niya sinasabi sakin. :(

Haaay! Happy Birthday.

-Lo-



Thursday, April 27, 2006

I miss my first year with Lawrence.

Everything is just so damn complicated nowadays.

What I hate most about is, before I was ready for this. I never let my guard down. I have built a protected wall over my heart. I made it tough. So if ever we encountered any problems, I wouldn't easily crumble.

It was (of course) a conflicting problem with our relationship. Most of the time I was trying to push Lawrence away--keeping my distance. It hurt him which eventually hurt me.

So in time, with my heart in his hand, I slowly destroyed my walls. I indulged myself in a fantasy that he was my forever. Slowly forgetting that this relationship may not last forever.

I was happy. Because I let my pessimistic bitter personality go. I didn't worry about what was suppose to happen because I learned to know that whatever happens, it wouldn't matter. For us, what matters is that we can still make each other laugh or say the things we want to say or simply love each other.

But now I know it has come to pay a hefty price.

Before, I would beg Lawrence to hurt me. Not physically, just emotionally. So that once again I could cry and fuel my pesimissim. But ever since he showed me the joy of letting it go, I have never been more happy.

But that state of happiness must go sometimes, doesn't it?

How I wish I could've left a little part of the wall I chose to break down. Maybe I wouldn't be this damn affected.

Oh well.

-Lo-



Monday, April 24, 2006

Happy Birthday Hun! :)

Yuck. Di ka na teenager! Nyahahaha... Joke lang. :)
I wish that I would be able to witness more of the wonderful years you will spend... :)





I love you my prince. :)

-Lo-



Nakita nyo naman ang aking picturetrail pics ano?

Well, now presenting... HAPPY THREE FRIENDS! :)



Si Aizza, Nelson at Ako! :) Kami ang Happy Three Friends. :) Anyways, hindi ko pa sila napapasalamatan ng maayos para sa sobrang daming ginawa nila para sa akin. Kung hindi dahil sa kanila, weird pa rin ako. Ngayon, mas weird na ako! Nyahahaha!

Pakilala ko sila sayo okies?

Aizza
-Ang Filipinong kaibigan ko na may lahing Chinese at Spanish. Marami nang nagtataka sa kanyang apelido dahil pinaghalo itong Te at Tan. Dalawang Chinese names yun ah! Si Aizza ang madalas kong kadaldalan at katext (lalo na noong nag-SUN ako). Madalas kaming nagtatawanan sa mga jokes niya. Nyahahaha! Napakabait, napakasipag, napakatalino, napakaganda at napakarespetado. Complete package!! And take note, available pa sya... :) Yikeee... Napakaswerte ko na kaibigan ko sya. :)

Nelson/Chino
-Ang mukhang Chinese kong friend. Kapag pinagtabi mo kami, nakakahiya lang na mas maputi at mas makinis siya sakin. Grabe! :) Sobra ding talino nito, pareho sila ni Aizza na mga University at College Scholars sa amin. At isipin mo yun, nagustuhan siya ng aming terror na prof. Grabe yun... hard to please lang yung prof na yun tapos impressed talaga sa kanya yung prof namin. Mayaman lang din naman si Nelson. May bago na nga siyang pangalan e. Richie RiCHINO. :) Napakabait at maasahan itong si Chino. Magalang at respetado... :) Buti na lang kaibigan ko sya... :)

Yan ang aking mga kaibigan. :) Kami ang bumubuo sa Happy Three Friends. :) Kung wala sila, hindi ko maayos ang aking akads. Lalo na noong nagte-tesis kami. Sila ang aking naging motivation para gawin ang mga dapat gawin. Sila rin ang nagpursige sa akin na tapusin ang Pilates class namin. Dahil sa araw-araw na pagpasok ko sa Pilates, sobrang pinapatawa nila ako. Sila rin ang mga kasama ko noong mga panahon na kinakailangan kong umiyak sa pool. At sila ang kasama ko nang ma-induct ako sa aming organisayong UP SIKAP! :)

Salamat Aizza.
Salamat Nelson.

Salamat sa pagtitiyaga at pakikipagkaibigan sa akin.

-Lo-



Saturday, April 22, 2006

Very matagal lang kami ni Aizza sa telepono no?

Di ko na nga alam kung ilang oras na kami nagbabad. Kasi andaming gagawin sa FOPC e. Nyahahaha! Koneksyon? Meron!

Ang aming org (UP SIKAP) ay sasali sa FOPC! Para syempre maging active lang kami no. :) Bilang Publicity head, nagpunta lang si Aizza sa GA. :) Pagkatapos, dahil hindi ako nakarating kanina, tinwagan na lang niya ako para i-inform ako ng mga bagay-bagay.

Sobrang tagal lang talaga ng aming pinag-usapan. Kaya pala sila inaabot ng gabi sa UP e. Sobrang dami lang kailangan gawin. Tapos kailangan na mangyari ang mga dapat mangyari next week ano?

College Graduation na bukas! :)

Congrats sa mga gra-graduate. Kasama na kami. :)

Nabuhay muli ang aking pag-ibig sa aking Palm. Paano nakita ko kasi yung mga ebooks ko e. Kaya ginanahan ulit akong magdl sa palm para mabasa ko naman sya. :) Sobrang saya ko lang ano?

Hindi pa rin ako nakabili ng cd na pang-burn. Grrr...

Aizza, karirin lang natin ang renovation ng kubo ha? Gawin na nating room na may CR at sala. O diba? Ipa-aircon natin kay Nelson, tutal sobrang yaman lang naman niya diba? Nyahahaha! :)

-Lo-



Wednesday, April 19, 2006

Tapos na ang aking INDUCTION!

Sa wakas, miyembro na rin ako ng napagaling at napagandang organisasyon... Ang UP Sandigan para sa Ikauunlad ng Kamalayang maka-Araling Pilipino. In short, UP SIKAP. :)

Grabe lang yung induction! Medyo matagal din kaming naka-blindfold. Kaya lang, mas matagal naman daw na naka-blindfold yung batch last sem. Simula daw sa UP mismo sila naka-blindfold. Kami mula start ng program lang. :)

And so, naging maganda naman ang induction. Sa Boso-Boso Highlands lang naman ito naganap. Super ganda... sa picture. Nyahahaha. Medyo siksikan kami sa room pero ok lang dahil hindi naman kami nagsitulog. :) Pagdating namin dun, nagsi-ayusan na ang lahat para sa magaganap na program. At syempre, kaming inductees (Ako, Nelson, Shobe, Jett at Ayda) ang main na pahihirapan sa araw na yun.

Nung una, kinabahan lang talaga ako. Ang mga advice kasi sakin ni Aizza (buddy) ay tatagan ko raw ang aking loob. Kaya kinabahan talaga ako. Si Jenjen din todo sindak sakin nung nakatabi ko sya sa jeep papunta dun sa place. Grabe lang yun o.

Masarap lang talaga ang buhay kahapon. Sobrang daming food. May Baliwag, chicken, adobo, isda, sobrang daming kanin at mga prutas. Ang sarap lang talaga magpataba nung mga panahong iyon. At sobrang na-touch ako kasi bumili talaga sila ng patis. Well, lam ko naman na hindi naman talaga para sa akin yun, pero still... na-touch lang talaga ako. :)

After kaming pahirapan (nyahahaha!), kumain muna kami bago tumungo sa eleksyon. Congrats lang talaga sa mga nanalo! You guys deserve it! :)

President: Shine Martinez
Vice-President: Jenjen Domingo
Publicity: Aizza Te Tan (buddy ko yan!!)
Secretary: Ayda Ocampo
MemCom: Glaiza Enriquez
Publication and Education: Josh Diokno
Finance: Nelson Fabre
Muse: Jett Quitalig
Escort: Nelson Fabre

Grabe lang si Nelson o... Dalawang posisyon. :)

After lang namin mag-open forum, nag-dive lang kami sa pagkanta sa videoke diba? Super saya lang talaga. Ang kukulit nila ate Connie. Talagang labanan sila ni Nelson. Grabe yun o mga nakaka-99 lang sa videoke. :)

After nun, nung umalis na yung mga kurimaw sa swimming pool nagswimming na kami! :) Naghabol-habulan kami sa swimming pool. At pilit nilang hanapin yung piso na hinulog nila. Pero hindi naman makita kasi ang dumi na nung pool. Ahahaha. :) Tapos si Shobe talagang nagshowcase lang ng natutunan namin mula kay Aizza. Yung salbabidang pantalon. Kaya lang walang nakinig sa kanya. Sumpa sa kanya yun mula noong umpisa ng induction e... :) Nyahahaha!

After namin magswimming, bumalik na kami sa room. Tulog pa yung iba. Kaya nagbanlaw muna kami. Umiglip ako sandali. Buti nga nakaiglip ako e. Nang umalis na kami, 30 mins. palang nasa UP na kami. Nakakatakot lang talaga yung drayber ng jeep. Parang drag racing lang talaga yun. Nyahahaha.

Pagdating namin sa FC, naghintay pa kami kasi hindi pa binubuksan yung dept. Kaya natulog muna kami sa lapag ng Gallery 1 o 2. Di ko memorize kung san dun, basta dun. Ansarap ngang matulog e. Bitin nga lang kasi ginising na kami ni Nelson para tignan kung bukas na yung dept. Kaya lang hindi naman namin nakuha yung kailangan namin dun. As usual.

Tapos nun, nagpaalam na ako sa kanila dahil hindi ko na talaga kaya. Nagpunta na lang ako sa boarding house ko para makitulog. :) Ayos naman. Nabawi ko naman. Nakalimutan ko pa ngang kumain ng tanghalian nun e. Pero keri naman.

Haaay! Miss ko na tuloy ang SIKAP. Ang kulit lang talaga. :)

-Lo-



Friday, April 14, 2006

Grabe yun...

Ngayon pa lang ako makakapag-post ng entry.

Nandito kami ngayon sa bahay ng lola ko. :) Dala-dala ko yung PC!! Ang pangit nga lang nung pagdating namin dito, nakalimutan yung saksakan ng PC. Kaya hindi ko nasense ang pagsu-surf sa net at pagblo-blog.

Gabi na nung dumating ang aking mga magiting na magulang para dalhan kami ng pagkain at yung saksakan ng PC. They saved us!! :) Nyahahaha...

Gabi na rin dumating ang aming pinsan na si Grace. Makikibakasyon din siya. Yung kuya nya hindi sumama. Siguro na-intimidate kasi puro babae kami... hindi niya lang alam pwede naman akong maging lalake. lolz.

Nung nabigay na yung saksakan, naglaro lang ako ng Warcraft. Tapos pinaalis ako ng kapatid ko para makapanood ng DVD. Ang tanga ko lang kasi hindi ko pa na-install yung sa DVD. Galing ko no? Haay.... Hindi rin tuloy kami makapanood ng mga DVD dito. Sayang lang.

Pero may net pa rin at Warcraft at Battle Realms!! Kaya masaya pa naman ako.. :)

Kagabi nagdala ng violin yung pinsan ko. Naalala ko tuloy si Viola!

Tsktsk. Good friday na nga ang sama ko parin. Naku...

-Lo-



Thursday, April 13, 2006

Finally!!

Naayos ko na rin yung PC namin! In time for the Holy Week. Pero hindi ko naman magagamit ito dahil bukas pupunta na kami ng kapatid ko sa bahay ng lola ko. Yung laptop ang dala ko para lang makapag-blog at chat. Wala nga lang ym yun. Kaya kung kailangan niyo ako... sa Gmail na lang tayo mag-usap. lodeguzman po yung aking id.

Matagal din bago ako nakapag-decide kung anong babasahin kong libro... Mas naisip kong basahin na lang ang Veronika Decides To Die ni Paulo Coelho. :) Birthday gift sa akin ng aking pinakamamahal na Lawrence. Sobrang alam niya na fave author ko si Paulo Coelho. Hopefully, makumpleto ko yung mga libro niya. Kaya lang sobrang mahal e.

Buong araw akong mag-isa sa bahay namin. Haaay. Hindi naman nakakalungkot. Ok na rin. Solo ko yung bahay. Pero simula pa lang ng araw ko, inaayos ko na itong PC. Ang hirap talaga. Nasisira na kasi yung mga cd namin e. Haaay. Buti na lang naayos ko na. :)

Natakot ako dahil hindi pa umuuwi yung kapatid ko. Kaya hinarass ko yung kaibigan niya para lang malaman kung ano yung mga numbers ng mga kaibigan niya. Kawawa nga si Maico e. Mukhang galit sakin yun. Ahahaha... E sa natakot ako e. Kapatid ko pa rin naman siya diba? Hindi kasi niya pinaalam sakin na nag-sleep over siya.

Andami ko pang hindi nagagawa sa mga goals ko... Hopefully, magawa ko silang lahat. Haaay.

Yawn.

-Lo-



Sunday, April 09, 2006

Hindi ko pala na-share na natapos ko na ang isang book ko! Yey! :) Super ganda. Fave author ko talaga si Sidney Sheldon. :) Grabe yun oh! Galing lang nya...

Ang title ng binasa ko e Tell Me Your Dreams. :) Super ganda. Sana nga nabasa ko ito bago ako nag-tesis. Kasi tungkol siya sa MPD (Multiple Personality Disorder) na ang sanhi ay ang traumatic experience. :) Parang tesis ko lang yun...

Bumalik na ako sa choir ng aming Youth Group! :) Sobrang saya... Magaganda yung mga kantang pinipili nila. One time, ilalagay ko dito yung lyrics ng fave songs ko. Kahapon yung praktis namin. Tapos ngayon kami nagprayer meeting... Nag-talk si Kuya Alvin!! Super ganda. Love and Courtship kasi ang topic.

Grabe yun o... si Janelle at si Ate Gia, naka-highlights lang o!! Dapat ata magpahighlights na rin kami ni Abbie.

Nyahahaa!

Ang sad kasi lilipat na sila Kitkat sa States. Mawawalan na naman ako ng kaibigan.

Come to think of it, ang daming aalis ng Pilipinas ngayon.

Si John--friend ko. Sayang kasi hindi ko na siya makakasama sa school. Mamimiss kita Boss! :)
Si Gelo at Grace--mga pinsan ko. Kanina ko lang nalaman na aalis na pala sila after ng Holy Week. Grabe yun o... Kami na lang ni Ia ang magkikita sa Christmas. Whaw. That Sucks big time.
Sila Janelle--hindi ko pa sure kung kailan sila aalis pero this year sila aalis. Grabe yun oh... Malalagas ang isa naming amiga sa Cell group. Kulang na yung mga mahihilig sa pink (influenced by Ate Gia).

Haay! Nagtataka nga ako e...

Bakit sila aalis? Hindi ko naman sila pinapayagan ah!!

:(

-Lo-



Friday, April 07, 2006

Ahahaha.

Nakakatawa talaga ang The Simple Life: Interns. Ewan. Nakakatuwang panoorin sila Paris Hilton at Nicole Richie. Mukha silang mga ewan. Lolz.

Nalaman ko na yung grades ko. For the first time, College Scholar ako! Walang sabit. Maski PE. Nakakatuwa nga e.

And for that, nilibre ako ng aking Tatay at Nanay ng bagong phone. Well, yung cash out lang ng SUN line ko. Ako pa rin kasi ang magbabayad ng bill ko e. Ahaha. Bahala na. Sana talaga maging ok kami.

Nagkamali ang SUN sa number ko. Nakakainis nga e. Ibang number yung nasend ko sa mga tao. For that, magbabago na naman ako ng number. Haaay. Hassle.

Magkikita kami nina Aizza at Nelson sa 10! :) Hindi ko sigurado kung kasama rin sila Jeni, Monica at Karen. Nung Wednesday nakakatuwa nga e. Kaming lahat magkakasama. :) Super laugh trip. Kaya lang pinaglakad nila ako!! Nyahahah! Bilang tamad maglakad... grabe yun oh. Buti na lang bukas ang CMC. Kung hindi baka umiyak ako.

Nakakainis. Bakit ayokong maglakad? Tamad ba talaga ako? Nyahahaha. Siguro mainit lang talaga nun. Nakakainis yung init nun e.

Haaay. Ang init na naman. Makaligo na nga.

-Lo-



Tuesday, April 04, 2006

Naku. May grades na kami sa MP 177 at MP 198. Kinakabahan ako. Hindi ko pa makita yung grades ko kasi down yung CRS!! :( Huhuhuhu...

Congrats ke Nelson!! UNO lang naman sa tesis namin. Shet! Idol na kita!! :)

Waaah! Good luck talaga sakin... Sana makaabot parin ako sa 1.88 na grade para sa Phil Stud. Please Lord. :)

Kailangan maaga akong makapunta ng UP bukas para maayos yung mga dapat ayusin. Naku! Yung grades ko talaga Lord... Please...

-Lo-



Monday, April 03, 2006

Happy Bday Nanay!! :)

Yep! It's my Nanay Sion's Bday! :)

So ayun, ginising ako ni Mah at sinasabi sa akin na pupunta daw kami somewhere. Edi nagulat ako! Si Lawrence kasi pupunta sa bahay para sunduin ako at para ihatid ako sa UP. Hindi tuloy ako nakapunta sa UP. Anyways, dumiretso na lang si Lawrence sa SM Bicutan tapos nag-lunch kami sa MAX's.

Tsalap ng sinigang!! :)

At siyempre lumamon na naman ako. Haaay! Grabe talaga yun oh. Hirap magpapayat.

Anyways, dapat hindi na lang ako magdinner. Kakanin na lang ako sa umaga at tanghali (with exercise of course) tapos sa gabi hindi na. Maaga na lang ako matutulog para hindi ako mag-crave. Haaay!

Tapos nun, dumiretso kami nila Tita Tess at Mah sa bahay ni Nanay. Umalis na si Law dahil may klase pa siya. Anyways, nung nandun na kami nagkwentuhan lang kami. Tapos nakipagkwentuhan ako kay Nanay. Bale, mag-isa na lang siya sa bahay. Hindi na kasi doon nakatira yung aking pinsan. (Congrats nga pala Kuya Bing! :) May trabaho ka na!)

So naisip ko, magbakasyon na lang kaya ako sa bahay ng lola ko? O diba? Sabi ko nga sa kanya, tatapusin ko lang yung mga dapat ilakad sa UP tapos punta na ako dun e. Ang sabi niya wala daw siyang cable, computer at kung anu-ano pa. Sabi ko ok lang yun. Hindi ko naman kailangan yun e.

Kaya sa holy week, sa bahay ako ng lola ko. :)

PLUS!! madadala ko yung laptop so makakapagblog pa rin ako. Tapos makakanood rin kami nila Nanay ng mga VCD. Dahil pwedeng magplay ng VCD sa laptop. Tsaka tuturuan ako ni Nanay manahi. Kaya sana makagawa ako ng sarili kong damit. Hopefully pants at skirts. :) Yikeee....

Nagdi-diet din ang lola ko kaya makakapag-diet din ako! Well... siya ay dahil ayaw niyang tumaas yung sugar niya, ako ayoko na tumaba. Ok lang din diba?

Sana matapos na yung paglalakad ko sa UP. Pupunta ako ng UP sa Wednesday para makapag-apply na for shifting. :) Yey! Kinompyut ko yung grade ko as of kanina, 1.81 ang GWA. Sana lang hindi na bumaba para may choice akong makapag-Phil Stud. Yun pa naman talaga ang gusto ko. Kailangan ko lang malaman kung ano yung gusto kong kunin na disiplina.

Sana bukas pumasok na yung mga grades sa CRS. :)

I miss you takas. :)
Mahal na mahal kita. :)

-Lo-



Sunday, April 02, 2006

Nanonood ang aking magulang ng wedding ni Claudine at Raymart ngayon. I can't help but look. Haaay! Nakakakilig talaga ang weddings. Dapat makaipon ako pag magpapakasal na ako. Gusto ko engrande. Kasi wala naman akong debut kaya yun lang ang engrandeng celebration ko for me. :)

I wish I will soon have my dream relationship... :)

Mga gusto ko na gawin ng guy:

1) little reminders of his love. (email, text, letter, call... basta something na hindi usually nagagawa)
2) bigay ng flowers. (i'm a sucker for flowers. hindi naman ako nanghihingi ng roses na sobrang mahal or whatever. kahit pitas lang... :) )
3) kisses. sweet kisses. sa katawan. sa face. basta hindi sa lips. :) it's sweeter that way.
4) serenade me. prepared ha... with instrument! nyahahaha!
5) Surprise me. Basta kahit anong surprise. Basta maganda.
6) Encourages me to be the beautiful person I am. (Somehow, may problema ako sa self-esteem kaya kailangan ko yan.)
7) Lead me. Sa totoo lang, nahihirapan akong mag-decide ng mga maliliit na bagay. Sa maliliit na bagay lang ha... pag malaki na... kaya ko na yun.
8) Respect.

Hindi naman ako demanding no?

-Lo-



Maaga akong nagising kanina! As in 6:00am.

Himala!!

Nyahahaha! Nahihiya kasi ako. Na-late kasi ako nung nag-meet kami ng aking mga kaibigan para sa Leadership Formation ng aming youth group.

Edi ayun. Maaga akong nagising at maaga akong nakarating sa aming meeting place. Sa 711 lang sa Casimiro. Nakita ko dun si Mikko! :) Ang aga niya. Swear.

Anyways, habang naghihintay kami ng aming sundo nagkwentuhan kami. Tinanong ko sa kanya yung bumabagabag na sitwasyon ko. Unfortunately, hindi ko masasabi dito kung ano yung sitwasyon ko kasi natatakot akong mali ang sasabihin ko. Mas mabuti pang wag ko na lang sabihin. Para wala na lang masaktan.

So after nun, nung dumating na yung aming sundo naghintay pa kami ng konti. Konti lang naman. May kinuha si Tita Juliet. Hindi ko alam kung ano. Bale ayun, si Julia (yung kapatid ni Janelle) nagkwento na tapos na yung niya. Natutuwa nga ako e. Tapos ayun. Nagjoke siya. Eto yung joke niya.

Julia: Knock knock

All: Who's there?

Julia: Stick.

All: Stick who?

Julia: Are you a stick? 'Cause you look like a toilet. But before you were a tree.

All: *laughs*

Nagets nyo ba? Kung nagets niyo, paki-email naman sakin. Please? Gusto ko lang malaman kung ano yung koneksyon. Nyahahaha!

O sige na. Inaantok na naman ako. Kahit na tulog lang ako buong araw, inaantok pa rin ako ngayon. Yawn! Ingatz. :)

-Lo-



Saturday, April 01, 2006

Nalinis ko na ang aking kwarto! Yehey!

Nyahaha! Isang sem na akong natutulog sa sala o sa kwarto ng aking parents. :) Pero ngayon, nalinis ko na! Hindi na siya tambakan ng kung ano-ano! Yehey!

Anyways, ang aking kapatid, si Gray, ay nasa Puerto Galera. Astig no? Nasa hayskul pa lang siya marami nang napuntahan yung kapatid ko. Nyahaha! Batangas, Tagaytay at (ngayon) Puerto Galera kasama ang kanyang barkada. Nakakainggit!! Nyahaha!

Naiisip ko tuloy na loser ako nung hayskul... Ahahaa! Hindi kasi ako nakakapag-overnight. Noon kasi hindi pa ganito ka-lenient parents ko. Bawal ang mag-overnight sa kahit kaninong kaibigan. Well... Noon yun. Nung may mga imbitasyon pa ako. Nyahaha!

Anyways, naisip ko dalawang buwan lang ang summer. At kailangan ma-maximize ko ang aking summer!!

Goals:
1) Linis ng kwarto. -Check!
2) Lose lots of weight.
3) Read up. Lahat ng recent kong nabiling books.
4) Try to learn how to cook GOOD food.
5) Make my own accessories.
6) Start on my scrapbook.
7) Finish my Anniversary gift for Lawrence.

Nyahaha! Sana magawa ko ito! Gogogogogo lang! :)

Haay. Nakakabored tuloy.

-Lo-

writer



.lorey.
.lo.lowee.rey. .chinagirl.lorei.
.18.
.UP Diliman.
.first child.
.believer.
.techy addict.
.writer.
.soul searcher.
.workaholic-wanna-be.
.pilates-crazed.
.frustrated guitarist.
.taken.
.sun.smart.globe.
.patis.chocolates.
.sinigang.
.guitars.music.

.ym id:.
.loreydeguzman.
.email:
.loreydeguzman@yahoo.com,
.lodeguzman@gmail.com,
.lldeguzman@upd.edu.ph

.my friendster.
.my multiply.
.my livejournal.

talk to me



literature

.aizza.
.lawrence.
.gilba.
.nika.
.claire.
.claire-lj.
.claire-multiply.
.chino.
.monica.
.super_adz.
.mixka.
.ate connie.
.jeni.
.jeni-blogger.
.eden.
.mong.



past works

  • December 2005
  • January 2006
  • February 2006
  • March 2006
  • April 2006
  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  • September 2006
  • October 2006
  • November 2006
  • December 2006
  • January 2007
  • February 2007
  • March 2007
  • April 2007
  • May 2007
  • June 2007
  • July 2007
  • August 2007
  • September 2007
  • October 2007
  • November 2007
  • December 2007
  • January 2008
  • February 2008
  • March 2008
  • April 2008
  • May 2008
  • June 2008
  • July 2008
  • August 2008
  • September 2008
  • October 2008
  • November 2008
  • December 2008
  • January 2009
  • February 2009
  • March 2009
  • April 2009
  • October 2009


  • credits

    1 2 3 4 5

    readers

    AmazingCounters.com
    Orbitz Travel