Nakakalungkot isipin na nagkakagulo na ang Pilipinas ngayon. Hindi ko mapigilan na magbitaw ng pagbibintang sa mga taong sa tingin ko ay hindi tunay na tumutugon sa problema ng ating bayan.
Naaawa ako sa aking mga magulang. Naroroon sila noong nagkaroon ng EDSA I. Naniniwala akong ginawa nila iyon dahil gusto nilang maging maayos at mapayapa ang lugar na aming (ako at ang aking kapatid) kalalakihan. Nagsakripisyo sila ngunit nababalewala yun ngayon.