1. Tapos ko na yung mediocre paper ko para sa MP177 at MP198. Napuyat pa ako kagabi. At nakakainis talaga dahil hindi maganda ang pagkakasulat ko. Malamang, rejected na yung mga paper kong iyon.
2. Pumunta kaming 168 kahapon. Naubos ko yung P1000 na binigay sakin ng aking tatay. Gastos ko. Nakapamili ako ng apat na pantalon at iba pang abubot. Gusto ko pa sanang bumili ng napakaraming earrings kaya lang wag na lang.
3. Napanood na nga pala namin ng mga boardmates ko yung Pagdadalaga ni Maximo Oliveros noong Martes. Dinala namin si Lance para ok lang kahit na last full show na yung panoorin namin. Ok yung movie. Kakaiba. Nakyu-kyutan ako kay Maxi at Kuya Bogs. Astig silang mga artista. Ang badtrip lang dun yung kumukuha ng ticket e. Hindi kasi nila binabalik yung kalahati ng ticket. Kailangan ko nga kasi yung ticket para sa klase ko sa MP110 at MP115. Ayaw ibalik! Hmph!
4. Mood swings. Yun na yun.
5. Talo ako sa bet namin ni Law. Panalo siya. Ano kaya yung magiging parusa ko?
6. Andami kong kailangan gawin bukas. Nakakainis. Badtrip.