1. Bago na yung blogskin ko! Nakakatuwa kasi hindi na siya dark... :)
2. Bukas na yung bday celebration namin ni Aj! Sa baywalk gaganapin. Sana talaga hindi masyadong magastos. Walang pera. Sabay kasi sa Christmas. Kamusta ka naman kasi! Pero super excited na ako. Gusto ko ngang mag-sorry kay Aj. Medyo naging siya lang ang nag-arrange nung gimik e. Kakahiya.
3. Super dami kong Christmas party na napuntahan! Ehehehe... Lahat masaya at lahat kakaibang karanasan...
Eto ang Christmas party ng SIKAP. Applicant pa lang ako... pero sana talaga makasali na ako officially. Sobrang saya ng Christmas party naman. Sobra sa kakatawa! Ang galing naman kasi ng emcee naming si Jen-jen at si Shirley. Kaso natulog din si Shirley nung medyo hapon na. Nanalo nga pala ako ng isang game! Yung videoke game nina Aizza! Nakakatawa nga e. Bohemian Rhapsody yung pinakanta sa akin. Haaay. Akala ko nga si Nelson na yung mananalo e. Super galing kasi ni Nelson! Ahahaha... :) Andami pang nakakatuwang nangyari kagaya ng agawan ng itlog, intermission ng lahat ng batches, charades at exchange gift. Si Sidney pala ang nagbigay sakin ng napakagandang black cellphone holder! Tapos si Jigs naman yung binigyan ko ng bracelet... sana nagustuhan niya. Eto naman ang mga boardmates ko sa Full Volume. Pagkatapos naming magluto ng spaghetti at onion rings dumiretso kami ng mga boardmates ko sa Full Volume para mapanood yung aming friend na si Mira na kumanta! Super nakakatawa kasi mukhang may gusto yung co-vocalist ni Mira kay Ate Gilba at Ate Gisel. Hanep! Puro pabalik-balik sa kanila. Ahahaha. Tapos ng sobrang kulit na evening... puro drama naman. Di ko pwedeng sabihin kung ano yung drama pero sobrang funny at sobrang nakakaiyak din... Malakas talaga ang tama ng Gran Matador. Diba ate Gilba? Mira? Lei? Nyahahahaha.
4. Kagabi umatake na naman ang pagiging insecure ko. Todo away na nga kami ni Lawrence e. Pano ba naman kasi... ayaw ko makinig sa kanya. Pero wala naman akong magagawa e. Talagang hindi kayang tanggapin ng sarili ko yung sinasabi niya e. Oh well... maybe someday i'll agree with him... But for now...
Inaantok na ako. Hindi pa ako kumakain. Haaay... tama na nga ang pangangarir ng blog. Yawn.