Ayun. Hindi natuloy ang aming pagkikita ni Lawrence ngayon. Sad. Pero ok lang din. May sakit kasi siya. Lumamon ba naman kasi ng sapin-sapin, chocolates, sansrival... naku! nakalimutan ko na yung iba... basta lahat ng nilamon niya yung mga matatamis na pagkain...
Wala ka naman bang balak magkadiabets Law?
So ngayon, medyo magulo na ang sked ko. Mukhang di na sya makakapunta ng Las Pinas para laruin ang mga pusa at aso namin o di kaya'y manood ng Windstruck (may crush ata sya dun sa girl e... di ko sigurado). Anyways, bukas na monthsary namin! (Yak! di pa kami nagsasawa no? Nyahaha!)
Birthday ngayon ni Monica! Wala lang... miss ko na pakakaks. Kasi naman... parang ngayong Xmas break parang wala akong ginawa kundi matulog, magblog, manood ng tv, lumamon at magtext. Napakaproductive no? Buti na lang natetext ko pa si Monica... Sina Karen di nagrereply e... Nyahahaha... Busy siguro... :)
Ngayon ko na itra-transfer yung 30-day diary ko sa maayos at productive na papel... Kasi by Jan7 tapos na yun. Sana naman mapasa ko siya agad diba? Anyways, kailangan ko pa gumawa ng 24hrs sa dalawang subj at isa pang 30-day diary para sa isa pang subj. Ansarap ng buhay no?
Kailangan ko nang umalis kasi maliligo pa ako, bibili pa ako ng regalo sa mga inaanak ko, susunduin ang bestfriend kong si Jek at pupunta sa bahay nila Kat (bestfriend ko rin) in 15 mins. Galing talaga ng time management ko! Anyways... Ciao!