Haay. kakatapos ko lang gawin ang aking mga papel para sa MP177 at MP198. Sa tingin ko nga, napaka-mediocre ng pagkagawa ko. Nakakainis. Nakaka-frustrate.
Bukas ko malalaman kung makakagraduate na nga talaga ako. Sana payagan ako ni Prop. Decenteceo na makapag-add mat ng PanPil40. Para hindi na ako maguluhan next sem. Sana payagan din akong makapag-apply for graduation. At sana bukas maging ok yung flow ng aking pag-aasikaso ng mga kinakailangan.
Hindi nga pala ako nakapasok sa Pilates last Thursday. Ang sad. Nakakainis din kasi di ko na naman alam kung ano yung mga ginawa. Baka bago kami magbakasyon may practical pala. Dapat kasi hindi na lang ako nag-absent. Wrong decision. Badtrip.
Ansarap siguro magpahinga ngayong christmas break no? Sana lang maging ok na ang bakasyon ko. Hindi kagaya noong sembreak ko. *cue bad memory here*
Uuwi na ako ng UP mamaya. Gigising ako bukas para maayos ang mga bagay-bagay. Pagkatapos ng lahat-lahat. Org naman ang kailangan tutukan.