1) Hindi ko mapost sa blog ko yung mga pix. Nakakainis. Di ko magawan ng solusyon. Bahala na... baka ipost ko na lang sa photobucket tsaka ko ipost dito. Hagard.
2) Nakalimutan kong isend yung mga paper ko kay sir Naval noong 24... Kanina ko lang nasend sa kanya... Sana hindi naman masyadong late yung paper ko diba? sana talaga...
3) Take note: tatlo yung paper na sinend ko kay sir Naval. Isa para sa paningin, simbang gabi at pandinig. Pinuna ni Lawrence yung pandinig. As in todo puna. :( And guess what! Tungkol kay Mike (ex-boyfriend) yung pandinig. Nyahaha! Huli ka Lawrence!!
4) Nakapag noche buena kami ng maayos! Tsalap talagang lumafang! Keber na sa mga diet... pagkatapos na lang ng pasko iintindihin yun diba? Gumawa nga pala ako ng Gelatin! Nyahahaha.... di ko alam may skill pala ako sa paggawa nun. Anyways, nagustuhan naman nila Mah at Dah. At naubos siya ng mga kamag-anak ko nung nagdala kami noong Pasko na mismo! Ansaya!
5) Pasko proper: Pinagluto ako ng aking Nanay (nanay ng dah ko) ng paborito kong sinigang na baboy! At nagtago pa siya para mayroon akong maiuwi sa bahay... Di naman ako masyadong mahal ng lola ko no? Tapos nun... ako yung in-charge sa pagcontact ng mga pinsan namin sa States. Ibig sabihin, ayusin yung YM, webcam, mic at yung free calling. Ako din yung kausap nung mga pinsan ko. Para akong operator. At dahil madaldal at makukulit yung mga pinsan ko, hindi nila ako tinigilan ng mga korning hirit. Naka-apat na restart pa ako ng PC para lang maging maayos yung usapan ng mga tao. Nakapag-usap din sila ng iba naming kamag-anak. 5am na nga natulog yung pinsan kong si Kuya Jim. Kinausap lang niya yung dah ko tungkol sa kotse, motor at yung gasgas. Ganda ng topic no?
6) Eto ako ngayon. Maraming gagawin bukas pero hindi pa rin tulog. Yan ang adik! Rakenroll! Nyahahaha... Haaay... antok na ako... pero blog pa rin!! Sana bukas maipost ko na yung pictures. Andami ko na kasing gustong ipost e... Simula pa nung bday celebration namin ni Aj noong Dec22. Anyways, gudnyt na sa lahat... Sana next time yung magiging post ko dito malikhain naman. Nyahahaha.. :)