Kwento ko muna yung bago kami nakarating sa baywalk. Kamusta naman ang pagkagasgas ng kotse na nasa tabi ko. Leche sya! Akala ko tuloy ako ang may kasalanan. Kamusta ka naman kasi... nanakot yung lalake at nagpatakot naman ang lola mo. Haaaay...
Pagkatapos nung diretso na kami sa Baywalk. Kumain kami sa Pantalan Maynila... ayos! hindi masyadong magastos... Kahit papaano diba? :)
Ahahahaa... si Lawrence pinagod ko. Pano ba naman kasi balak pa akong i-surprise e di naman pala alam kung nasaan kami. Napagod tuloy sa paglibot ng buong baywalk. Hindi nya alam nasa dulo kami. Nyahahaha. Kamusta ka dun?
Mamaya-maya pumunta na kami ulit sa baywalk proper. Tapos may nag-offer manghula. P10 per hula. Ako naman si GO! Trip lang naman... Eto yung mga naaalala kong hula sa akin.
1) Mahal na mahal ako ng karelasyon ko. 2) Alagaan ko daw yung relasyon namin... wag daw ako masyadong selosa at mahilig mang-away. 3) Magiging swerte ako next year... baka may mag-offer daw sakin ng trabaho sa abroad. 4) Marami daw akong kaibigan na inggitera. 5) Mag-simba daw ako kahit isang beses lang.
Di ko na matandaan yung iba e. Natatawa lang ako habang sinasabi niya yun e...
At say mo! si Lawrence din nagpahula. Kamusta ka dyan! Nyahahaha...
1) Wag daw sya masyadong lumapit sa adik, lasing at basagulero... lagi daw syang mapapaaway. 2) Mahal daw siya ng karelasyon nya 3) Galingan niya sa kurso niya dahil magkakaroon ng offer para makapag-abroad siya.
Yun na lang ang naaalala ko...
at may pahabol pa! Sabi sa kanya magtanong daw siya at sasagutin siya ng baraha...
Law: Mapapangasawa ko ba siya? (sabay turo sakin) Manghuhula: Pumili ka ng 5 baraha. Law: (pili) Manghuhula: kumuha ka pa ng isa. Apat pa lang ito. Lima kailangan ko. Law: Ay! Apat pa lang pala yan. (pili tapos bigay) Manghuhula: Oo. Mapapangasawa mo siya. Basta't wag ka lang makikinig sa mga sabi-sabi ng mga kaibigan mo o pamilya. Marami kasing naiingit sa inyo.
Nyahahahah!
Good luck na lang...
P40 din yung nagastos namin sa kanya no! Haaay.... Good luck na lang talaga.
Antok na ako... Cge bukas ko na lang ilalagay yung mga pix dito. :)