Sa tingin ko hindi ko pa rin kayang bilhin ang nakakainis mong "stubborness" kahit na may milyones ako ngayon. Hindi ka nakikinig noong nagsasalita ako. Pinapaliwanag ko na hindi ako ang may kasalanan. Ikaw ang gumalaw. Hindi ako.
Ilang tawag kaya ang nasayang mo? Hindi ko sinasagot ang kahit anong tawag o text mo. Hindi ko kayang harapin ka. Wala tayong mapupuntahan sa pag-uusap. Hindi mo ako pinapakinggan. At iyon ang nakakainis.
Magkano ba ang kailangan mo? Wala akong pera. Yun ang totoo. Alam mo namang estudyante lang ako diba? Wala pa akong trabaho. Hindi kita kayang bayaran.