Matagal-tagal din bago ako nagkaroon ng desire para mag-ol... Hmm... Last post ko nung 27 pa... nyahahahhaa... anyways... eto mga nangyari:
1) Dec 28, di kami nagkita ng takas ko. Pero keri lang. Nyahahahhaa... Shucks... di ko lang agad nakita yung bago niyang phone. :) Ayun. So dapat kasama sya sa aming family gimik kaya lang hindi siya natuloy kasi may sarili silang Christmas party ng mga kamag-anak niya. Syempre... Family First! Ayun... So kami ng pamilya ko pumunta sa Aliw Theater para manood ng Hua Mulan... keri lang naman... talagang walang appeal sa akin ang magic. Ayaw na nga ata akong katabi ng kapatid ko e... Pano ba naman kasi, lahat ng gawin nila kinokontra ko. Nyahahaha! Trapik papunta at mas trapik nung pauwi. Ginaganap kasi yung World Pyro Olympics e. Habang nasa daan kami, nakita namin yung mga fireworks. Magaganda kaya lang mababa lang yung pag-show nila. Hindi mayadong kita yung iba. Dumiretso kami sa Blue Wave kasi talagang hindi na namin kayang pigilan ang aming kumukulong tiyan. Kumain kami sa Hao Restaurant. Mala-Tong Yang yung style ng resto nila. Kami yung nagluluto.. :)
2) Dec. 29, di kami natuloy ni Aizza. Sayang nga e. Talagang busy lang ang mga schedules namin. Pero natuloy pa rin yung family thing namin. Noong una, lunch dapat yung bday party. Kaya maagang dumating si Lawrence. Tapos nung naglaon, dinner na lang pala. Hindi tuloy nakasama si Lawrence kasi sobrang layo niya pa. Noong umaga, nanood na lang kami ng Windstruck ni Lawrence kasi matagal na niyang gustong mapanood yun. Tapos noong gabi, kumain kami ulit sa Hao restaurant... Bday kasi ng kapatid ng lola ko. :) 75 yrs. old. Astig! Tapos nun, after namin kumain lumabas kami para makita yung mga fireworks ng World Pyro Olympics. Kitang kita sa may blue wave yun. At nalaman kong kaya pala mababa yung gawa nila ay dahil may bayad pala itong P100 per head. Galing no? Wais. Pero mas wais yung mga taong nagpicnic na lang sa Blue wave. Di na sila gumastos pa sa pagkain, may libre pang fireworks show... :)
3) Dec 30, well... natulog lang ako buong araw dahil ginawa ko na yung isa sa mga requirements ko sa MP110. Yung 24 hrs. 24 hrs akong magsusulat kung ano yung ginagawa ko per hour. Ok naman yung nangyari. Marami akong napanood na movies. Nakakapagod lang talaga...
4) At ngayon. Tinatamad na naman ako. Pero maraming kailangan gawin. Magsisimba kami tapos magluluto para sa Meja Noche mamaya. Kasama namin si Nanay dito ngayon. Overnight siya sa amin kasi mag-isa lang siya sa Paranaque. Kailangan siguro namin maglinis ng todo! Nyahahaha... :) Anyways, Happy New Year sa lahat! :)