Si Tita Ina ko nga pala ang aking tita na nasa USA dahil ang kanyang napangasawa ay si Tito Jeff (na Amerikano). Nakakaaliw nga sila e. Nagkakilala sa pamamagitan ng pagiging penpal. Nagpakasal sila noong... di ko na matandaan... pero matagal na yun. Nauto pa akong mag-abay e. Ibig sabihin bata pa ako. Hanggang ngayon sila pa rin. Astig.
Napaisip tuloy ako. Maging swerte kaya ako kagaya ni Tita Ina? Si Lawrence na kaya ang maging 'partner' ko habang buhay?
Fast forward.
Nagchumihan lang kami kanina. Nakakatuwa nga e. Bigla na lang niya ako tinanong... "Would you be my girl forever?" Sabay dagdag ng "Walang bagong linya, walang singsing... pero totoong tinatanong ko sayo yan." At ang sagot ko... hinalikan ko lang siya.
Silence means yes diba?
Ginawa noong Monday, Disyembre 5 at pinagpatuloy ngayong Biyernes, Disyembre 9