Sa monday na ang pasahan ng aming storyline at tesis proposal. Meron na akong naisip para sa parehong papel. Meron na akong nakitang mga libro na pwedeng isama sa sanggunian. Meron na akong mga akda na maisasama sa nilalaman. Meron na akong twists para sa 1-hr. television show ko. Kumpleto na ang isusulat ko.
Nakalimutan ko lang yung format.
Naiwan ko sa UP yung aking mahiwagang yellow pad. Nakakainis! Doon ko kasi inilista yung format ng 2 papel. Habang nagpapakawindang ako sa paghahanap ng format ng 2 papel, yung mga kaklase ko tapos na sa ikalawang parte ng kani-kanilang papel.