<meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/19541902?origin\x3dhttp://loreyblogs.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>


Saturday, December 31, 2005

Huling araw

Matagal-tagal din bago ako nagkaroon ng desire para mag-ol... Hmm... Last post ko nung 27 pa... nyahahahhaa... anyways... eto mga nangyari:

1) Dec 28, di kami nagkita ng takas ko. Pero keri lang. Nyahahahhaa... Shucks... di ko lang agad nakita yung bago niyang phone. :) Ayun. So dapat kasama sya sa aming family gimik kaya lang hindi siya natuloy kasi may sarili silang Christmas party ng mga kamag-anak niya. Syempre... Family First! Ayun... So kami ng pamilya ko pumunta sa Aliw Theater para manood ng Hua Mulan... keri lang naman... talagang walang appeal sa akin ang magic. Ayaw na nga ata akong katabi ng kapatid ko e... Pano ba naman kasi, lahat ng gawin nila kinokontra ko. Nyahahaha! Trapik papunta at mas trapik nung pauwi. Ginaganap kasi yung World Pyro Olympics e. Habang nasa daan kami, nakita namin yung mga fireworks. Magaganda kaya lang mababa lang yung pag-show nila. Hindi mayadong kita yung iba. Dumiretso kami sa Blue Wave kasi talagang hindi na namin kayang pigilan ang aming kumukulong tiyan. Kumain kami sa Hao Restaurant. Mala-Tong Yang yung style ng resto nila. Kami yung nagluluto.. :)

2) Dec. 29, di kami natuloy ni Aizza. Sayang nga e. Talagang busy lang ang mga schedules namin. Pero natuloy pa rin yung family thing namin. Noong una, lunch dapat yung bday party. Kaya maagang dumating si Lawrence. Tapos nung naglaon, dinner na lang pala. Hindi tuloy nakasama si Lawrence kasi sobrang layo niya pa. Noong umaga, nanood na lang kami ng Windstruck ni Lawrence kasi matagal na niyang gustong mapanood yun. Tapos noong gabi, kumain kami ulit sa Hao restaurant... Bday kasi ng kapatid ng lola ko. :) 75 yrs. old. Astig! Tapos nun, after namin kumain lumabas kami para makita yung mga fireworks ng World Pyro Olympics. Kitang kita sa may blue wave yun. At nalaman kong kaya pala mababa yung gawa nila ay dahil may bayad pala itong P100 per head. Galing no? Wais. Pero mas wais yung mga taong nagpicnic na lang sa Blue wave. Di na sila gumastos pa sa pagkain, may libre pang fireworks show... :)

3) Dec 30, well... natulog lang ako buong araw dahil ginawa ko na yung isa sa mga requirements ko sa MP110. Yung 24 hrs. 24 hrs akong magsusulat kung ano yung ginagawa ko per hour. Ok naman yung nangyari. Marami akong napanood na movies. Nakakapagod lang talaga...

4) At ngayon. Tinatamad na naman ako. Pero maraming kailangan gawin. Magsisimba kami tapos magluluto para sa Meja Noche mamaya. Kasama namin si Nanay dito ngayon. Overnight siya sa amin kasi mag-isa lang siya sa Paranaque. Kailangan siguro namin maglinis ng todo! Nyahahaha... :) Anyways, Happy New Year sa lahat! :)

-Lo-



Tuesday, December 27, 2005

Tinatamad na naman ako....

Ayun. Hindi natuloy ang aming pagkikita ni Lawrence ngayon. Sad. Pero ok lang din. May sakit kasi siya. Lumamon ba naman kasi ng sapin-sapin, chocolates, sansrival... naku! nakalimutan ko na yung iba... basta lahat ng nilamon niya yung mga matatamis na pagkain...

Wala ka naman bang balak magkadiabets Law?

So ngayon, medyo magulo na ang sked ko. Mukhang di na sya makakapunta ng Las Pinas para laruin ang mga pusa at aso namin o di kaya'y manood ng Windstruck (may crush ata sya dun sa girl e... di ko sigurado). Anyways, bukas na monthsary namin! (Yak! di pa kami nagsasawa no? Nyahaha!)

Birthday ngayon ni Monica! Wala lang... miss ko na pakakaks. Kasi naman... parang ngayong Xmas break parang wala akong ginawa kundi matulog, magblog, manood ng tv, lumamon at magtext. Napakaproductive no? Buti na lang natetext ko pa si Monica... Sina Karen di nagrereply e... Nyahahaha... Busy siguro... :)

Ngayon ko na itra-transfer yung 30-day diary ko sa maayos at productive na papel... Kasi by Jan7 tapos na yun. Sana naman mapasa ko siya agad diba? Anyways, kailangan ko pa gumawa ng 24hrs sa dalawang subj at isa pang 30-day diary para sa isa pang subj. Ansarap ng buhay no?

Kailangan ko nang umalis kasi maliligo pa ako, bibili pa ako ng regalo sa mga inaanak ko, susunduin ang bestfriend kong si Jek at pupunta sa bahay nila Kat (bestfriend ko rin) in 15 mins. Galing talaga ng time management ko! Anyways... Ciao!

-Lo-



Monday, December 26, 2005

Wala na Si Cinnamon

Bumili kami ng Chow-chow kanina. Ang kyut kyut nya! Kaya lang nung pagdating namin sa Las Pinas, pinatignan namin siya sa Vet namin. Ayun. Meron daw siyang rectal prolapses. Parang hemmoroids sa mga tao...

Naawa nga ako e. Kawawa naman siya. Parang hindi inaalagaan nung pinagbilan namin. Biruin mo, 2 weeks nang hindi pinapaliguan. :(

Sana maibalik namin si Cinnamon... hindi kasi namin kaya yung pagpapasurgery sa kanya e. Haay! Sana talaga makabili kami ulit ng ibang Chow-chow...

-Lo-



Tapos na ang Christmas sa Eastern side ng mundo

Andaming nangyari... haaay... game!

1) Hindi ko mapost sa blog ko yung mga pix. Nakakainis. Di ko magawan ng solusyon. Bahala na... baka ipost ko na lang sa photobucket tsaka ko ipost dito. Hagard.

2) Nakalimutan kong isend yung mga paper ko kay sir Naval noong 24... Kanina ko lang nasend sa kanya... Sana hindi naman masyadong late yung paper ko diba? sana talaga...

3) Take note: tatlo yung paper na sinend ko kay sir Naval. Isa para sa paningin, simbang gabi at pandinig. Pinuna ni Lawrence yung pandinig. As in todo puna. :( And guess what! Tungkol kay Mike (ex-boyfriend) yung pandinig. Nyahaha! Huli ka Lawrence!!

4) Nakapag noche buena kami ng maayos! Tsalap talagang lumafang! Keber na sa mga diet... pagkatapos na lang ng pasko iintindihin yun diba? Gumawa nga pala ako ng Gelatin! Nyahahaha.... di ko alam may skill pala ako sa paggawa nun. Anyways, nagustuhan naman nila Mah at Dah. At naubos siya ng mga kamag-anak ko nung nagdala kami noong Pasko na mismo! Ansaya!

5) Pasko proper: Pinagluto ako ng aking Nanay (nanay ng dah ko) ng paborito kong sinigang na baboy! At nagtago pa siya para mayroon akong maiuwi sa bahay... Di naman ako masyadong mahal ng lola ko no? Tapos nun... ako yung in-charge sa pagcontact ng mga pinsan namin sa States. Ibig sabihin, ayusin yung YM, webcam, mic at yung free calling. Ako din yung kausap nung mga pinsan ko. Para akong operator. At dahil madaldal at makukulit yung mga pinsan ko, hindi nila ako tinigilan ng mga korning hirit. Naka-apat na restart pa ako ng PC para lang maging maayos yung usapan ng mga tao. Nakapag-usap din sila ng iba naming kamag-anak. 5am na nga natulog yung pinsan kong si Kuya Jim. Kinausap lang niya yung dah ko tungkol sa kotse, motor at yung gasgas. Ganda ng topic no?

6) Eto ako ngayon. Maraming gagawin bukas pero hindi pa rin tulog. Yan ang adik! Rakenroll! Nyahahaha... Haaay... antok na ako... pero blog pa rin!! Sana bukas maipost ko na yung pictures. Andami ko na kasing gustong ipost e... Simula pa nung bday celebration namin ni Aj noong Dec22. Anyways, gudnyt na sa lahat... Sana next time yung magiging post ko dito malikhain naman. Nyahahaha.. :)

-Lo-



Thursday, December 22, 2005

Magkano ka ba?

Magkano nga ba ang ibabayad para sa prinsipyo?

Sa tingin ko hindi ko pa rin kayang bilhin ang nakakainis mong "stubborness" kahit na may milyones ako ngayon. Hindi ka nakikinig noong nagsasalita ako. Pinapaliwanag ko na hindi ako ang may kasalanan. Ikaw ang gumalaw. Hindi ako.

Ilang tawag kaya ang nasayang mo? Hindi ko sinasagot ang kahit anong tawag o text mo. Hindi ko kayang harapin ka. Wala tayong mapupuntahan sa pag-uusap. Hindi mo ako pinapakinggan. At iyon ang nakakainis.

Magkano ba ang kailangan mo? Wala akong pera. Yun ang totoo. Alam mo namang estudyante lang ako diba? Wala pa akong trabaho. Hindi kita kayang bayaran.

Hindi ko kayang bayaran ang isang pagkakamali mo.

-Lo-



Tumawag na si Chris.

Na-iintimidate na naman ako. Argh! Di naman kasi ako yung may kasalanan. Leche siya! Roar. Bahala siya. Tawag na lang siya kapag nandito na daddy ko. Haaay.... Nakakainis. Pang-inis sa umaga.

I hate adults who think they're always right.

-Lo-



Nagpahula ako kanina!

Kwento ko muna yung bago kami nakarating sa baywalk. Kamusta naman ang pagkagasgas ng kotse na nasa tabi ko. Leche sya! Akala ko tuloy ako ang may kasalanan. Kamusta ka naman kasi... nanakot yung lalake at nagpatakot naman ang lola mo. Haaaay...

Pagkatapos nung diretso na kami sa Baywalk. Kumain kami sa Pantalan Maynila... ayos! hindi masyadong magastos... Kahit papaano diba? :)

Ahahahaa... si Lawrence pinagod ko. Pano ba naman kasi balak pa akong i-surprise e di naman pala alam kung nasaan kami. Napagod tuloy sa paglibot ng buong baywalk. Hindi nya alam nasa dulo kami. Nyahahaha. Kamusta ka dun?

Mamaya-maya pumunta na kami ulit sa baywalk proper. Tapos may nag-offer manghula. P10 per hula. Ako naman si GO! Trip lang naman... Eto yung mga naaalala kong hula sa akin.

1) Mahal na mahal ako ng karelasyon ko.
2) Alagaan ko daw yung relasyon namin... wag daw ako masyadong selosa at mahilig mang-away.
3) Magiging swerte ako next year... baka may mag-offer daw sakin ng trabaho sa abroad.
4) Marami daw akong kaibigan na inggitera.
5) Mag-simba daw ako kahit isang beses lang.

Di ko na matandaan yung iba e. Natatawa lang ako habang sinasabi niya yun e...

At say mo! si Lawrence din nagpahula. Kamusta ka dyan! Nyahahaha...

1) Wag daw sya masyadong lumapit sa adik, lasing at basagulero... lagi daw syang mapapaaway.
2) Mahal daw siya ng karelasyon nya
3) Galingan niya sa kurso niya dahil magkakaroon ng offer para makapag-abroad siya.

Yun na lang ang naaalala ko...

at may pahabol pa! Sabi sa kanya magtanong daw siya at sasagutin siya ng baraha...

Law: Mapapangasawa ko ba siya? (sabay turo sakin)
Manghuhula: Pumili ka ng 5 baraha.
Law: (pili)
Manghuhula: kumuha ka pa ng isa. Apat pa lang ito. Lima kailangan ko.
Law: Ay! Apat pa lang pala yan. (pili tapos bigay)
Manghuhula: Oo. Mapapangasawa mo siya. Basta't wag ka lang makikinig sa mga sabi-sabi ng mga kaibigan mo o pamilya. Marami kasing naiingit sa inyo.

Nyahahahah!

Good luck na lang...

P40 din yung nagastos namin sa kanya no! Haaay.... Good luck na lang talaga.

Antok na ako... Cge bukas ko na lang ilalagay yung mga pix dito. :)

-Lo-



Wednesday, December 21, 2005

Today is the day!

Himala! Magcecelebrate ako ng super belated kong bday! Well... si Aj kasi Ultra mega belated naman yung sa kanya. Nonetheless, magdedebut na kami! Nyahahahaha...

And in fairness... hindi namin nirequire ang mga tao na magsuot ng gowns... pero kelangan may gift... jowk! Nyahahaha!

Di naman ako masyadong masaya...


Eto kaming dalawang celebrant for today... Di naman kami masyadong maganda diba? Oi! Picture namin yan nung debut ng *twin* kong si Kris Anne. Nov. 19 yan! Pagkatapos na pagkatapos ng bday ko! :) Eto ang pwendships... Nabuo dahil walang magawa ang mga magkakaklase kaya't ayun.. kwentuhan na lang at kampihan pag dating sa group projects. Debut ni Kathleen, my Labs, yan e.. Kaya lang busy sya kaya wala sya sa pic. Si Patring, Chi, Bugsie, Yuno, Aj, Dianne, Elaine, Ako at si Missy (import). Nyahahaha! :)


Anyways, ayan si Kathleen (my Labs) at si Aj. Nadagdag na rin sa aming barkadahan sina Carlo (Cpa) at Kuya Jonas! :) Kaya super saya na ng aming barkada... :)

Haaay... antok na ako... Yak! Ang aga diba? Nyahahaha... Hindi naman talaga ako hyper ngayon no? Sige... mamyang gabi na lang... kapag ikwe-kwento ko na yung mga nangyari mamayang gabi... :)

-Lo-



Tuesday, December 20, 2005

Updates:

1. Bago na yung blogskin ko! Nakakatuwa kasi hindi na siya dark... :)

2. Bukas na yung bday celebration namin ni Aj! Sa baywalk gaganapin. Sana talaga hindi masyadong magastos. Walang pera. Sabay kasi sa Christmas. Kamusta ka naman kasi! Pero super excited na ako. Gusto ko ngang mag-sorry kay Aj. Medyo naging siya lang ang nag-arrange nung gimik e. Kakahiya.

3. Super dami kong Christmas party na napuntahan! Ehehehe... Lahat masaya at lahat kakaibang karanasan...


Eto ang Christmas party ng SIKAP. Applicant pa lang ako... pero sana talaga makasali na ako officially.
Sobrang saya ng Christmas party naman. Sobra sa kakatawa! Ang galing naman kasi ng emcee naming si Jen-jen at si Shirley. Kaso natulog din si Shirley nung medyo hapon na.
Nanalo nga pala ako ng isang game! Yung videoke game nina Aizza! Nakakatawa nga e. Bohemian Rhapsody yung pinakanta sa akin. Haaay. Akala ko nga si Nelson na yung mananalo e. Super galing kasi ni Nelson! Ahahaha... :) Andami pang nakakatuwang nangyari kagaya ng agawan ng itlog, intermission ng lahat ng batches, charades at exchange gift.
Si Sidney pala ang nagbigay sakin ng napakagandang black cellphone holder! Tapos si Jigs naman yung binigyan ko ng bracelet... sana nagustuhan niya.

Eto naman ang mga boardmates ko sa Full Volume. Pagkatapos naming magluto ng spaghetti at onion rings dumiretso kami ng mga boardmates ko sa Full Volume para mapanood yung aming friend na si Mira na kumanta! Super nakakatawa kasi mukhang may gusto yung co-vocalist ni Mira kay Ate Gilba at Ate Gisel. Hanep! Puro pabalik-balik sa kanila. Ahahaha. Tapos ng sobrang kulit na evening... puro drama naman. Di ko pwedeng sabihin kung ano yung drama pero sobrang funny at sobrang nakakaiyak din... Malakas talaga ang tama ng Gran Matador. Diba ate Gilba? Mira? Lei? Nyahahahaha.

4. Kagabi umatake na naman ang pagiging insecure ko. Todo away na nga kami ni Lawrence e. Pano ba naman kasi... ayaw ko makinig sa kanya. Pero wala naman akong magagawa e. Talagang hindi kayang tanggapin ng sarili ko yung sinasabi niya e. Oh well... maybe someday i'll agree with him... But for now...

Inaantok na ako. Hindi pa ako kumakain. Haaay... tama na nga ang pangangarir ng blog. Yawn.

-Lo-



Sunday, December 18, 2005

Nahulog ako sa aming hagdan

Lumipad yung mga dala kong underwear para labhan nung nadulas ako sa hagdanan namin. Talagang bagsak! Kamusta ka naman dun diba? Parang galit nga sakin si Lawrence nung nakita niya akong nahulog.

Ahaha.

Kahiya no? Kasabay ng pagkahulog ko yung pagdampot ni Lawrence ng mga nagsabog kong underwear.

Tsk tsk.

Adventure.

-Lo-



Tuesday, December 13, 2005

Nawawala ang susi ko

Mayroon na akong memory gap. Todo-todo na ang damage ko sa utak. Biruin mo, susi ng kotse nawawala. Di ko maalala kung saan ko nailagay.

Natatakot ako.

Magkaka-Alzheimer's ata ako.

-Lo-



Sunday, December 11, 2005

Updates for this week

1. Tapos ko na yung mediocre paper ko para sa MP177 at MP198. Napuyat pa ako kagabi. At nakakainis talaga dahil hindi maganda ang pagkakasulat ko. Malamang, rejected na yung mga paper kong iyon.

2. Pumunta kaming 168 kahapon. Naubos ko yung P1000 na binigay sakin ng aking tatay. Gastos ko. Nakapamili ako ng apat na pantalon at iba pang abubot. Gusto ko pa sanang bumili ng napakaraming earrings kaya lang wag na lang.

3. Napanood na nga pala namin ng mga boardmates ko yung Pagdadalaga ni Maximo Oliveros noong Martes. Dinala namin si Lance para ok lang kahit na last full show na yung panoorin namin. Ok yung movie. Kakaiba. Nakyu-kyutan ako kay Maxi at Kuya Bogs. Astig silang mga artista. Ang badtrip lang dun yung kumukuha ng ticket e. Hindi kasi nila binabalik yung kalahati ng ticket. Kailangan ko nga kasi yung ticket para sa klase ko sa MP110 at MP115. Ayaw ibalik! Hmph!

4. Mood swings. Yun na yun.

5. Talo ako sa bet namin ni Law. Panalo siya. Ano kaya yung magiging parusa ko?

6. Andami kong kailangan gawin bukas. Nakakainis. Badtrip.

-Lo-



Panalo si Nene

Panalo ka.

Alam mo na kaya yung magiging parusa ko? Nakaisip ka na siguro. Sana yung gagawin ko yung medyo madali.

Medyo Madali.

Alam ko kasing hindi basta-basta ang magiging parusa ko. Bakit ko pa kasi binet si Jason. Unang una ko naman pinili si Nene. Sayang. Talo tuloy ako sa bet.

Bukas ba magkikita tayo?

Malabo na kasing magkita tayo. Andami mo nang ginagawa. Finals niyo na diba? Mas gugustuhin kong wag na lang tayo magkita basta makapag-aral ka ng lubusan para sa mga exam mo.

Mukhang next year mo na mabibigay ang parusa ko.

Mabuti naman.

Sayang.

Talo ako.

-Lo-



Tapos na ang pagdurusa

Haay. kakatapos ko lang gawin ang aking mga papel para sa MP177 at MP198. Sa tingin ko nga, napaka-mediocre ng pagkagawa ko. Nakakainis. Nakaka-frustrate.

Bukas ko malalaman kung makakagraduate na nga talaga ako. Sana payagan ako ni Prop. Decenteceo na makapag-add mat ng PanPil40. Para hindi na ako maguluhan next sem. Sana payagan din akong makapag-apply for graduation. At sana bukas maging ok yung flow ng aking pag-aasikaso ng mga kinakailangan.

Hindi nga pala ako nakapasok sa Pilates last Thursday. Ang sad. Nakakainis din kasi di ko na naman alam kung ano yung mga ginawa. Baka bago kami magbakasyon may practical pala. Dapat kasi hindi na lang ako nag-absent. Wrong decision. Badtrip.

Ansarap siguro magpahinga ngayong christmas break no? Sana lang maging ok na ang bakasyon ko. Hindi kagaya noong sembreak ko. *cue bad memory here*

Uuwi na ako ng UP mamaya. Gigising ako bukas para maayos ang mga bagay-bagay. Pagkatapos ng lahat-lahat. Org naman ang kailangan tutukan.

Ansarap mabuhay no? Daming challenges.

Gusto ko talagang maging workaholic.

-Lo-



Friday, December 09, 2005

Ano nga ba ang format ng tesis proposal?

May katangahan na naman akong nagawa.

Sa monday na ang pasahan ng aming storyline at tesis proposal. Meron na akong naisip para sa parehong papel. Meron na akong nakitang mga libro na pwedeng isama sa sanggunian. Meron na akong mga akda na maisasama sa nilalaman. Meron na akong twists para sa 1-hr. television show ko. Kumpleto na ang isusulat ko.

Nakalimutan ko lang yung format.

Naiwan ko sa UP yung aking mahiwagang yellow pad. Nakakainis! Doon ko kasi inilista yung format ng 2 papel. Habang nagpapakawindang ako sa paghahanap ng format ng 2 papel, yung mga kaklase ko tapos na sa ikalawang parte ng kani-kanilang papel.

Hindi ba naman nakakawindang yun?

Lakas ng loob ko. Blog pa rin ako.

Teka... ikaw... alam mo ba yung format?

-Lo-



Monday, December 05, 2005

Habang gumagawa ng asignatura sa PanPil 101

Nakakuha ako ng email sa aking tita Ina.

Si Tita Ina ko nga pala ang aking tita na nasa USA dahil ang kanyang napangasawa ay si Tito Jeff (na Amerikano). Nakakaaliw nga sila e. Nagkakilala sa pamamagitan ng pagiging penpal. Nagpakasal sila noong... di ko na matandaan... pero matagal na yun. Nauto pa akong mag-abay e. Ibig sabihin bata pa ako. Hanggang ngayon sila pa rin. Astig.

Napaisip tuloy ako. Maging swerte kaya ako kagaya ni Tita Ina? Si Lawrence na kaya ang maging 'partner' ko habang buhay?

Fast forward.

Nagchumihan lang kami kanina. Nakakatuwa nga e. Bigla na lang niya ako tinanong... "Would you be my girl forever?" Sabay dagdag ng "Walang bagong linya, walang singsing... pero totoong tinatanong ko sayo yan." At ang sagot ko... hinalikan ko lang siya.

Silence means yes diba?

Ginawa noong Monday, Disyembre 5 at pinagpatuloy ngayong Biyernes, Disyembre 9

-Lo-



Saturday, December 03, 2005


Don't look at me

I'm ashamed of myself. I look at myself in the mirror and I see someone different.

I see a girl. She's overweight, small, not good-looking and weird. She probably gives a pity party every second of her life.

I'm hoping that someday I could get on with what I'm suppose to look like. Someone worthy of looking at. Maybe I'll try to lose weight. Maybe I'll start combing my hair. Maybe I'll put on a little make up. Maybe I can change my hairstyle. Maybe I can pretend.

Someday, I'll finish improving myself. When I do, I'll probably see myself in the mirror and smile. And maybe when I do, I'll probably tell you to look at me.

-Lo-



Unang subok

Matapos ko isipin kung ano bang pwedeng blogskin ang ilalagay ko sa blog ko, eto na ako't gumagawa ng kauna-unahang blog entry.

Yun lang.

Gusto ko lang malaman mo na ito yung pinakaunang entry.

-Lo-

writer



.lorey.
.lo.lowee.rey. .chinagirl.lorei.
.18.
.UP Diliman.
.first child.
.believer.
.techy addict.
.writer.
.soul searcher.
.workaholic-wanna-be.
.pilates-crazed.
.frustrated guitarist.
.taken.
.sun.smart.globe.
.patis.chocolates.
.sinigang.
.guitars.music.

.ym id:.
.loreydeguzman.
.email:
.loreydeguzman@yahoo.com,
.lodeguzman@gmail.com,
.lldeguzman@upd.edu.ph

.my friendster.
.my multiply.
.my livejournal.

talk to me



literature

.aizza.
.lawrence.
.gilba.
.nika.
.claire.
.claire-lj.
.claire-multiply.
.chino.
.monica.
.super_adz.
.mixka.
.ate connie.
.jeni.
.jeni-blogger.
.eden.
.mong.



past works

  • December 2005
  • January 2006
  • February 2006
  • March 2006
  • April 2006
  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  • September 2006
  • October 2006
  • November 2006
  • December 2006
  • January 2007
  • February 2007
  • March 2007
  • April 2007
  • May 2007
  • June 2007
  • July 2007
  • August 2007
  • September 2007
  • October 2007
  • November 2007
  • December 2007
  • January 2008
  • February 2008
  • March 2008
  • April 2008
  • May 2008
  • June 2008
  • July 2008
  • August 2008
  • September 2008
  • October 2008
  • November 2008
  • December 2008
  • January 2009
  • February 2009
  • March 2009
  • April 2009
  • October 2009


  • credits

    1 2 3 4 5

    readers

    AmazingCounters.com
    Orbitz Travel